Trauma sa SWERO sa KAMAY!

Mommies sino dito nakaexperience ng pain sa mga ugat kung san nilagay yung swero like pamamanhid pati sa daliri kung nasa yung ugat na nalagyan ng swero nung nanganak tayo. 1month na nakalipas pero parang lumalala yung sakit bigla bigla kasing umaatake yung sakit lalo na pag nagbubuhat ako. yung sakit na di mo agad magagalaw kasi masakit. yung gitnang daliri ko manhid yung kalahiti? mommies ano dapat ko gawin?? naapektuhan mga gawain ko lalo na paghawak ko si baby tapos biglang aatake sakit sheeyt

Trauma sa SWERO sa KAMAY!
15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hala akala ko dati ako lang may ganyan. Ung ob ko niresetahan ako ng vitamins for nerve. Pra ma ease ung pamamanhin minsan pag tulog si baby binbabad ko sa warm na tubig. Sabi nila pasma daw yan. Sa pagod. Sakin mas malala. Ung finger tips ko namamanhid at para bagang tnutusok. Prehas na kamay. Prehas kasi na sweruhan ako. Ung sa kanan ko kasi na kamay pumutok ung swero kaya nilipat sa kabila. Don't worry mommy mawawala dn yan on its own pag madami kanang pahinga. Ung as in zero gawaing bahay wala knang gnagawa. Maggulat kna lang mawwala na yan. :)

Magbasa pa

ang alam ko po di namn po nagcacause ng pamamanhid ang iv insertion unless po hindi nyo po naigagalaw ang kamay nyo pede po magmanhid kc nawawalan po ng blood flow, kung ganun man po try nyo po mag warm compress po sa site ng insertion at igalaw galaw nyo po ng madalas ang kamay nyo po (close/open). Kung hindi pa rin po matanggal pacheck po kau sa doctor nyo po para mabigyan po ng vitamins for nerves.. ganyan din po ako dati binigyan po ako ng b prime na vitamins nawala naman po..

Magbasa pa

same ako din dati madalas kasi natatanggal ang swero ko yung ibang ugat hindi na lumitaw sa dami ng tusok pinakahuli sobra saket parang nakuryente ako nung tinusok then pag labas ko ng hospital 1 week hindi natanggal na parang bugbug color violet until now pag hahawakan ko ng madiin parang nakukuryente parin ako

Magbasa pa

Pacheck up mo po sis.. sa akin nun namaga din nakailan turok gawa ng ndi makita ugat ko, matusukan man aalisin hahanap na naman ng tutusukan namaga sya.. ginawa hot compress lang nung tinaggal ung swero ko nun nung mga pang 2days ko sa ospital. Try mo dn hot compress

VIP Member

Pacheck mo na mamsh, kasi ako dati 5days nasa ospital after birth, araw araw sinusweruhan ako kasi for antibiotic kasi nakapoop si baby sa loob. Nagamit na nga ata lahat ng ugat ko magkabilaang kamay pero di naman po nagkaganyan.

sakin 2 months na baby ko still may pamamanhid padin akong nararamdaman then pag karga ko si baby habang tumatagal parang diko na nafefeel na may hawak ako para bang anesthesia ganon

Momsh ako din may ganyan pataas gawa ng swero. Until now andito pa rin hirao din mag karga ni baby twice ko nabitawan si baby buti nalang nasa kama tumama. Hayyyy

Mawawala dn yan sis. Ganyan dn sakin napwersa sa pagkapit sa bakal nung nanganganak ako kaya naoaling karayon. kusa nawala.

Hot compress po para marelax ung nga nerves. Pag hindi pa rin okay pacheck niyo na po sa doctor

Parang ang alam ko po hindi dapat magcause ng pangmamanhid ang swero o dextrose sa kamay.