First-Time Moms Club!

Hi Mommies! Sino ba'ng mga first-timers d'yan? Let's make this into a thread. Kuwentuhan, tanungan, updatean. Kahit ano! Sino-sino pa ba ang magtutulungan, tayo-tayo rin. Hehe

First-Time Moms Club!
127 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

FTM to my 1 year and 3 month old daughter😊 minsan nakakapagod mag alaga dahil hindi ako maswerte na may biyenan or nanay na handa sumalo at mag alaga ng baby para atleast makapahinga ako.. Kung babantayan man nila saglit na saglit lang.. Si hubby naman frontliner kaya minsan lang din ako makapagpahinga sa pag alaga.. Ang pahinga ko lang talaga sa maghapon.. Pagtulog si baby, pagiihi or dudumi ako o pag maliligo ako.. Sa gabi naman hindi pa rin diretso magsleep si baby kasi trip niya magfeed kaya ayun paputol putol rin tulog ko.. Minsan gigising ako.. Feeling ko bangag pa ko at gusto ko pang matulog.. Kape na lang sumasalba sa akin to get throughout the day.. Sobrang hirap.. Pero kinakaya😊💪🏼 I know one day.. Hindi na magiging ganito kabigat yung pag alaga sa kanya.. Sana bigyan lang ako ng mahabang pasensya ni Lord.. Sobrang kulit na din kasi nitong alaga ko😂🙏🏼

Magbasa pa