1008 Replies

haaay pinaala mo naman sa akin to😔Elementary days? swerte ng may piso o liman piso na bigay ng mga uncle ko! ni minsan hinde ako nabigyan ng tatay ng baon sa school! kahit nga mga gamit sa skwelahan ako na nagpoprovide sa murang edad 8-11 years old ganyan ang buhay ko😭 natuto ako magbanat ng buto, dahil iniwan kami ng nanay namin naiwan kami sa papa namin na hinde marunong magpaka ama ang alam lang ang pomorma at maglasing 😭 every summer ay nakikilinis ako sa garden /Farm ng mga kamag-anak namin na ang bayad ay 20 pesos pag half day at 40 pesos pag whole day! kapalit sunog ang balat dahil nakababad talaga sa init magpahinga lang ng tanghalian pagka 1PM sugod na kaagad at nakikiharvest din ako sa mga kamag-anakan namin ng kanila palay or mais at ung parte ko binibenta ko para makabili ng notebook,chinelas, tootbrush at panty😭 panty ko nga that time parang 3 lang once a year lang ako nakakabili ng isa. minsan pagkulang ang pera ko gamit sa skwela nalng binili ko ! minsan tsinelas ko tinatalian nalng para mayasuot pa kahit butas butas na ung talampakan 😭napapagalitan pa ako ng tatay ko pag ebenta ko ung mga parte ko kc gusto niya imbakin nalang para daw may stock kami kahit may Sariling Farm naman kami kaya lang minsan kumukuha din siya dun pag wala siyang pera. Ilang beses kung naransan na mahimatay sa gutom sa school dahil madalas akong papasok na walang baon, tapos naboboli pa ako sa school ang masakit mga Pinsan ko pa ang gumagawa tinatawanan nila ako habang kumakain sila na ako nakaupo lang sa desk at walng makain 😭😭😭pinaparinig pa sa akin na masarp daw ung ulam nila 😭hinde ko nalng pinapansin lalabas nalang ako at iinom ng tubig sa bomba (gripo) 😭grabe ung pinagdaanan ko but Im happy now na nagbago ang buhay ko! mas maganda pa ang buhay ko dun sa mga namboli sa akin! mahab ang story sa kung anoman ako ngayon marami din akong pinagdaanang hirap pero nagsikap ako kc gusto kung mabago ang buhay ko at ayaw kung maranasan ng maging anak ko ang naranasan ko. isa sa nakatulong sa akin ay mag-aral ng Financial education natulungan akong magipon ng tama.

Godbless sis 😇 Minsan ung hirap na pinagdaanan sa buhay may maganda ding maidulot un dahil matutoto ka sa buhay at maging malakas ka harapin anuman ang pagsubok.

Long post ahead. 7pesos until college. hindi man lang naglevel up😂😂😂 kasama na dun ang pamasahe kung sasakay ako(5pesos/1ride) so most of the time, naglalakad lng ako. kasama rin sa baon kung 7pesos kung may project kami, may ambagan sa group activity o paxerox ng notes. kaya ang ginawa ko,marami akong raket nung nag aaral ako. nag aaral ako ng mabuti at nagbebenta ako ng sagot sa quiz nmin. so everytime my quiz, marami ang tumatabi sakin.para maambunan ng sagot.😂 mahilig din ako makipagpustahan sa mga dare, like, paunahan maubos ang isang basong malamig na shake..Brain freeze plagi.😭😭😭Ang hirap kumita ng pera.. pero i see to it na panalo lagi. kung di nmn paunahan solve ng math problem. mahilig din ako gumawa ng assignment at project ng mga classmates ko with corresponding price..pinagkakitaan ko katamaran ng mga classmates ko.. hindi sila mahina sa school, sadyang mga tamad lng. Kapag recess time na, kukuha nko ng listahan, utusan kasi ako ng mga classmate ko bumili sa canteen,ayaw nila makipagsiksikan. then binibigyan nila ako ng service fee😂😂😂 then yung naiipon kong delehensiya, aside sa panggastos sa mga projects, pinapautang ko rin with corresponding na tubo. like, uutang sila ng 20pesos, then next week, babayaran nila ako ng 25pesos... Hay... kumikitang kabuhayan..😍😍😍 minsan pag hihingi ng advice mga classmate ko, kung may sense advice ko, nililibre nila ako sa canteen. Tamang diskarte lng.. Yun ang naisip kong paraan para matulungan parents ko dahil alam kong hirap kami sa buhay.Ayaw kong mgdemand sa knila. Nakikita ko nmang sinisikap nila lahat.🤗

Nag umpisa ako sa 10 pesos kasi may feeding samin tapos bayad depende sayo, pwedeng 2,3,5 pesos 😁. Tapos may baong snacks at kain/ulam kasi whole day sa province. Sarap mag-aral sa probinsya, sobrang simple lang ng lahat. Nung lumipat ako sa Manila yung 40-50 pesos na baon ko nung Gr. 5 na ang laki na para sakin dahil de sundo naman, pero sa ibang bata pala normal lang tapos lahat may cellphone na at mga techy. HAHAHHA eh di pa ko marunong gumamit ng computer nun. 😂 Sobrang advanced talaga sa Maynila dati, di naman liblib lugar namin. Hahahaha. Di kasi uso search sa internet samin eh, lahat de libro. ❤️❤️❤️

2 pesos minsan 5 pesos .. minsan wala nkka inggit pag wala ka baon kasi mga ka klase mo bumibili tapos ikaw hanggang tingin lang.. ginagwa ko dati pag elem ako ngbbinta ako sampalok or mani para lagi ako my baon, tapos iba ko ping bbintahan iniipon, pwera biro s pag bbinta ko ng mga yan nkka ipon ako 1k malaking bagay ang 1k mga unang panahon marami ka mabbili .. dahil mahirap kami nkka bili ako damit sapatos shinelas s pag iipon ko sympre, pati kaptid ko nabbilhan ko,, isa pa dun ngttinda ako kangkong gumgwa ako walis, lahat gingwa ko para maka ipon para mka bili din kami bigas ulam, para s kapatid ko n bunso

Inaantay ko nalang mag recess para kumuha Ng bayabas sa likod Ng school namin dati ..minsan nman Hindi na ako pinabaon Ng nanay ko kasi malapit lang Naman bahay namin uuwi nlang ako tas kakain Ng bahaw ulam ay toyo na may mantika 😁 .. tas babalik nlang sa school pag nag riring na Yung bell 😊😌 nakakamiss.

VIP Member

paiba2 eh. naaalala ko nung grade 4, 10 pesos lang binibigay ni mama (though may baon na din akong snacks). pero kung si papa ang magbibigay (which was hindi madalas kasi seaman sya), 20 pesos a day baon ko. 😂 ginagastos ko lang yung 10 pesos so may savings akong another 10 pesos everyday. 😁

Walang baon pera.magkuha kami bayabas pra palitan ng papel kasi ubus na papel wla pambili.tapos baon saging wla ulam .pag my bigas kami baon kanin tapos wla ulam at maawa kaklase ko bigyan nya ako ulam.at hnd ko kinahiya na isang kapos palad lng ako.

VIP Member

snack, baon na pancit canton minsan. minsan 10 pesos sa umaga, 5 sa hapon.sa umaga, makakabili na ng sa 3 pesos na soup, 2 pesos na banana cue or kamote cue. tapos palamig na may pinipig sa 3 pesos. tapos chichirya na 2 pesos. hahahah

VIP Member

nagstart sa 5pesos pambili ng soup hahahaa hnggang naging 20pesos. di kasi ako nkakapagbaon ng food nun, dahil working ang mom ko. which i think good din, kasi i leraned how to budget kahit maliit pa lang ako 😊

Piso Minsan kapag may pera si Papa pagkain like biscuits at fun chum(juice dati like zesto) kadalasan wala😁. Nagtitinda lang ng ice candy para may pang baon na 5 pinakamalaki na yan dati. Batang late 90s here

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles