HOW DID YOU MEET YOUR HUSBAND?

Hello mommies, share ko lang. I met my husband at a dating app Feb 2019 I got pregnant March 2019 Now I'm 6months pregnant 23yrs old. Never regretted my decision, and so thankful to have a loving and thoughtful husband. ??? How did you meet your husband and what age? ?

49 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

December 2016 at my 18th birthday. Pero before that, I'm always praying to God na. Sabi ko Lord hindi po ako mag-eexpect ng bonggang celebration para sa birthday ko specially if hindi naman talaga kaya ng mommy ko maghanda that time. Sabi ko, Lord I trust in You, yung gift Mo nalang po sakin yung hihintayin ko sana hindi materyal na bagay yung makukuha ko kasi normally ilang buwan lang or taon, pwede na akong magsawa o masira.. Tapos ayun! Buong maghapon akong naghihintay kung anong gift sakin kasi wala namang special nung araw na yun. Kinagabihan nakilala ko si hubby thru our bunso kasi friend sila. Nag-usap lang konti then bago ako matulog halos mangiyak-ngiyak pa ko kasi sabi ko wala naman yung gift na hinihintay ko. Fast forward, at exactly 1 year simula nung magkakilala kami, 19 years old na ako. After ng isang taong ligawan, naging kami na rin! Hahaha. And up until now sobrang naaamaze parin talaga ako kung paano dininig ni Lord yung wish ko sakanya. Ngayon, 3 months preggy na ako and everything's okay naman in our relationship. Mag 3 years na kami this coming December and sobrang happy and contented na ako sa relationship namin dahil sabay kaming naggogrow at natututo sa buhay. And yung baby namin ngayon? It is also a prayer came true! Tagal na namin pinagpepray na magkaroon ng baby. And ngayon nandito na. Kaya sobrang Thank you Lord talaga! 😊❀

Magbasa pa