Worry or not worry?
Hello mommies! Share ko lang po ang experience ko about Hormonal Imbalance. Last January and february heavy flow period ko and inabot ng 10 days, nag worry ako kaya last month nag pacheck up ako sa OB. Ni recommend po niya saakin na mag take ng pills para maayos daw po cycle ng period ko. Nakakaayos raw po ng hormones ang pills sabi ni doc. So, ngayon hinihintay ko na datnan ako para maka start na mag take ng pills pero masyado nang matagal kaya mag woworry na naman po ako. Last period ko is on february 15 2020, until now wala pa rin akong period. Ang cycle ko paiba iba and irregular talaga ako. On March 27 nag try ako mag PT pero negative ang result. Nakakaranas din po ako nang hairfall, bloating, feeling sleepy always, ang skin ko parang sa chicken na may maliliit na bilog. What should I do mommies? Ps. If ever po na buntis ako, di naman po ba delikado or di naman maaapektuhan pagbubuntis ko? kahit di pa nagagamot ang hormonal imbalance ko?