38 weeks and 5days close parin, pero nakaraos na ng 39weeks and 4days

Hello Mommies, share ko lang exp ko. mag 39weeks na ako nung last check up ko sa OB ko and close parin cervix ko. Niresetahan niya ako ng primrose every 8hrs (oral lang ginawa ko) then sinabayan ko ng exercise (mga vids sa youtube), everyday umiinom ng 1glass ng pineapple. At nung 39weeks and 3days ko naisipan ko uminom ako ng 2 glasses ng milo sa umaga at 1 glass ng pineapple sa hapon sinabayan ulit ng exercise. Pagpatak ng 1am (39weeks and 4days) naghilab na at pumunta kmi sa hospital (4:30am) at sinabing 4cm na. Super bilis ng pag open ng cervix ko at 8:22 nalabas ko na po si baby 😊. Sana makatulong po sa ibang mommies.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

5cm ako ngayun mammy sana makaraos na din po ako. Kanina pako lakad ng lakad para tumaas na cm ko. Lord guide us always.

1y ago

Nakaanak na po ako kaninang 2pm. Salamat sa diyos at ligtas kaming dalawa.