Parang nagwawala si baby pag dumedede
Hello mommies. May same case po ba dito na ung baby nila is parang nagwawala habang dumedede? Parang frustrated. Nasabi ko na sa pedia eh, ang sabe baka daw dilang comfortable si baby.. like baka walang lumalabas sa bote.. (naka formula pala sya) pero chinecheck ko pag dumedede, ok naman lahat.. ganyan din po ba sainyo? 3 months old na po si baby..
same ng baby ko ngayon. di ko pa nafigure out kung bakit. minsan parang ayaw niya pero nasipsip naman. ang likot pati, susundan mo ung ulo. impossible naman na di pa siya gutom, 4 hrs na nakalipas. feeling ko nung una dahil sa butas ng nipple, baka kako nalulunod siya, eh pang 0-3 months naman ung nipple. minsan nman ok naman. minsan siguro sa paglalaro niya rin. lahat nginingitian niya, ung pattern sa kurtina, ung tv kahit nakapatay. ung damit namin na makulay. kahit san lumingon tuwang tuwa. ang likot. pag sinusundan ko ung ulo niya magpadede, dun minsan parang nagagalit siya. tinitigilan ko na lang. kaya minsan onti lang nadedede niya. mas napapadede ko siya pag ung gising niya ng mga alas dose at alas 4 ng madaling araw kc half asleep siya nun, wala siya nakikita. hehe.. sa katapusan pa ung well baby check up niya. dun ko na lang itanong k Doc.
Magbasa paPossible reasons: 1. Gas - habang feeding pag ang baby biglang nagliyad ang katawan ibig sabihin may gas at kailangan ma-burp. Pag nailabas na yung hangin pwede na ituloy ang feeding. 2. Nipple flow - pwedeng nababagalan na siya sa tulo ng gatas sa nipple kaya ang nangyayari frustrated siya or pinaglalaruan yung nipple. Kaya palitan niyo na ng mas mabilis na flow. Sa 3 months medium flow na pero depende pa rin yan sa readiness ng baby mo. 3. Distracted - during feeding dapat tahimik lang at walang masyadong nakikita si baby. Wag niyong kakausapin or lalaruin kasi hindi siya magfo-focus sa feeding niya. 4. Feeding position - possible hindi siya komportable sa pwesto niya habang feeding so hanapan niyo ng pwesto na ok sa kanya.
Magbasa paAng helpful po neto. Thank you po.
Same sa baby ko, turning 3 months sya. Mixed feeding kami pero pag formula saka sya ganun. Di mapakali sobrang likot. Pag ganun kasi sya alam kong kinakabag sya or di comfortable sa position nya. Tinitigil ko muna tapos papa-burp, massage or isasayaw ko muna sya then pag settled na sya saka ko tinutuloy pagpapadede sa bote ☺️
Magbasa paThank you po.
Baka mi nababagalan na sa flow ng butas ng nipple. Ganyan din si LO ko pagtuntong ng 3 months. Antagal ko din finigure out. Either nafufrustrate sya or tinutulugan nya or naglilikot sya. Inaabot ng 1 hour padedehan namin instead of the usual 15 minutes. Ayon nung binago ko na yung nipple nya sa sunod na size, umok na kami
Magbasa paGanito din baby ko ngayon at 3 mos. Ang tagal ng padede session namen kasi parang ayaw nya lagi sa dede. Feeling uncomfortable sya sa position nya. Kaya sinusundan ko na lang ng dede nya yung bibig nya until isuck nya.
ganyan baby ko kaso breastfeeding kami. di sya comfortable sa pwesto nya pag maglatch inaayos ko at hinahanap ko yung position na gusto nya. ayun ookay na sya.
Lipat nyo lang po sa kabilang boobs magiging okay sya minsan kasi frustrated lang sila dahil malakas agos ng milk.
Ganyan po ba sya eversince or lately lang? If it's the latter, possible Baby Growth Spurt po ☺️
Recently lang po. Thanks po.