pregnancy

me mommies po ba dito na breech si baby tas naging normal upon delivery? 7 months pregnant po and last ultra is suhi si baby nakaka stress? salamat sa sasagot.

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ako po breech po baby ko nung nilabas ko siya..una po ang tuhod and I delivered my baby thru normal delivery po sa lying in pa ako nanganak..Good thing magaling ang ob ko naipalabas nya ung baby ko ng normal with the help of God and prayers xmpre..kung sa hospital ako tinakbo malamang matic cs agad kasi suhi. kausapin mo lang baby mo sis and pray, yung baby ko kasi kinausap ko naman nung nalaman kong nakabreech xa kaso hindi tlaga umikot ei mas komportable cguro xa sa pwesto nya.

Magbasa pa

31 weeks na ako nung umikot si baby. Meron akong mga mommy nuon na kasabayan ko tapos nasa tamang position na mga baby nila. Ang ginawa ko yung ear phone nilalagay ko sa bandang puson ko. Tapos tuwing gabi madilim sa room nilalagyan ko ng flash light pero sandali lang parang signal lang ganun. Napanuod ko lang sa Youtube kaya sinundan ko. Good thing effective naman.

Magbasa pa

Breech position din po baby ko nung 7months sya. Pero nagpaultrasound po ako ulet nung 8th month okay na po yung position nya ready to engage na. Ginawa ko po nagwalking lagi at uminom ng maraming tubig. Iikot lng po nang kusa si baby, don't worry😊

VIP Member

Bestfriend ko po breech tapos mga 2 weeks nalang manganganak na sya. Milagrong baging cephalic nung manganak na. Akala nya ma ccs sya. May chance pa yan mommy.

Sakin din ultrasound ko nung 5mos si baby breech siya at may cord coil. Now nagpa ultrasound ako 8mos na ko cephalic position na siya. Thank God. 😊

minsan pwede pa ikutin ng mga doktor kung suhi si baby, basta kaya nilang gawin :) so mas maganda kausapin mo na lang si doc kung ano pwede gawin

VIP Member

Nung 7 months preggy po ako, suhi din si baby pero umikot naman po siya ngayon 8 months na. Sana di na sya umikot ulit. Mahirap kasi pag suhi.

Try niyo po yung ginawa ko every morning tuwad po kayo yung nakasayad dd niyo tapos nakaangat pwet niyo every morning niyo po gawin.

thank u all Mommies, in good position na si baby waiting nalang ng duedate ko.

VIP Member

sakin po, twice ultz breech pero nun malapit nq manganak umikot nman xa.