Mommies, please share: Saan (o kanino) niyo pinaglihi si baby? :)

33 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ako po mag 6 months na tiyan ko pero dko padin alam saan ako naglihi kz hindi ko po alam na buntis ako inaalala ko kz wla tlga signs khet un magsuka wla.may time lang nun sobra inis ako sa tatay nya then now nagccrave ako sa dark chocolate😁

VIP Member

Sa santol. Off season pa naman yung santol that time. Taga Sucat kami pero nakarating kami ng Macapagal at 3am para maghanap. Sinamahan ko partner ko. Korean kasi,di nya alam kung ano at san sya maghahanap kung sya lang mag isa😂

Kay daddy niya😍 and salted eggz tapos sinigang na fish😋 I'm 4 months pregnant and since 1st month nawiwili lang akong nakatitig sa kanya😂😍😍

Super Mum

Sa pagkain brownies, tapos ang kinaiinisan ko is mother in law ko tapos gustong gusto ko mpanood si Catriona Gray 😅

Kung sino ang tanong baka ang maisagot ko ay kay Nadine Lustre. Napaanak ako noon habang nanonood ng OTWOL e. Hehe

Mahilig akong mag crave sa Broccoli noong buntis ako e. Kaya siguro kulot ang nak ko. Hahaha

Sa asawa ko. Lagi ako naiinis sa kanya kahit walang ginagawa. . :) spaghetti din. :)

Sa Bear Brand Choco! Buti na lang hindi naging ka-kulay nung drink yung anak ko. :)

Sa sardinas na pinigaan ng calamansi. 😊 Tapos inis na inis ako sa hubby ko.

Kay Kris Aquino kaya ngayon ganon na ganon magsalita ang baby girl ko. 😂