ASKING PRAYER FOR MY BABY ETHAN WHO IS NOW NICU

Mommies, please pray for my baby, nasa NICU pa rin sya ngayon 5 days na simula nung nailabas ko sya via Emergency CS. November 11, 5am pumutok panubigan as in buhos tuloy tuloy ang dami, di pa dpat ilalabas si baby kasi 34weeks6days pa lang sya. Tumwag ako sa midwife ko na yun nga pumutok panubigan ko, sabi nya sa Hospital n ako manganhanak kasi dipa full term si baby at kailangan din ng incubator kaso y8ng affiliated nilang Hospital is wala ding incubator. Nagdecide ako pumunta dumiretso sa Labor Hospital, pero sa information pa lang sinabihan na ako na wala nga daw sila incubator kung ok lang daw ba magtake ng risk khit walang incubator, nagdesisyon akong mghanap ng iba, pumuntang East Ave. Medical, Fabella, QC General Hospital, Jose Reyes, PGH, Chinese Gen. Hosp. inikot namin lahat ng Hospital n yan, pero lahat sila wala incubator kaya halos ayaw din ako tanggapin. Hanggang makarating kami sa St. Jude Hospital sa Manila, 7:30pm na gabi na nakiusap na kami ba sana maadmit ako tinanggap ako, pero kinabukasan pa dumating OB ko kasi, 2:30pm Nov. 12 pinag ultra sound ako, 3pm nang makita ng Dr. ung result nag decide na Emergency CS na ako, kasi wala na panubigan delikado na kay baby, naiyak n lang ako kasi di ako ready natakot ako. 5pm sched ko CS. Nagmanhid nako hanggang nakatulog paggising ko 7:30pm na. Nalaman ko na lang nasa NICU daw baby ko, pagkalabas daw ni baby unresponsive 30minutes na wala pa rin response, pero mabait pa rin ang Dyos di pa tumigil ang mga Doctor na e revive si baby hanggabg nagrespond sya. Ngayon nasa NICU sya nakatubo 5days na. Discharged na ako sa Hospital pero naiwan si baby. Ang laki na ng bill namin ngayon sa Hospital sakin umabot ng 89K kay baby nman 99K na as of ngayon Nov. 15. Di ko alam san kmi kukuha ng pambayad. Pero ang importante sana gumaling na baby ko. . . yun lang hiling ko. Please mommies need your prayers for my baby's complete recovery 5 days old na sya ngayon. Sana malagpasan ko na to at ni baby. . .

288 Replies

VIP Member

Praying for you and for baby ethan.😇🙏🏻 Don’t worry mommy, God will provide po! 💖

VIP Member

God is with you and your baby ❤🙏 we claim the healing in Jesus name 🙏 Thank you Jesus.

Sa makpangyarihang pangalan ni Jesus i claimed Ang mabilis na pag galing ni baby amen🙏🙏🙏

Amen🙏

God is good momsh! Huwag problemahin ang pera dahil mhhnap yan. Tiwala lang kay Lord 🙂

VIP Member

Mommy pray lang po tayo at mag tiwala ka magiging okey din si baby may awa ang panginoon.

we pray sa baby mo momshie... para gumaling na sya agad at makalabas na kau sa hosp. 🙏

I'll pray for your baby's health momsh. Dont worry GOD is GOOD mauuwi mo din bby mo ♡

VIP Member

Tiwala lang sa taas sis. Hindi nya kayo pababayaan. Get well soon po kay baby mo. 🙏

Bakit kaya mga gov hospital walang incubator.. Dapat bigyan pansin yan ng pamahalaan..

Pray lang po mami kaya mo yan 🙏🙏🙏 Prayers for you and your baby 🙏🙏🙏

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles