Hello, mommies! Please know first time mom ako and ang first baby ko mag to-two months palang. Para sakin, bago talaga lahat ng ito kasi mama ko namatay nong 1 year old palang ako, at only child pa, so wala akong idea paano magbantay ng bata, paano mag react minsan sa mga sabi2x ng matatanda, etc, alam nyo na.
So question po, di kasi ako sure kung okay lang tong nararamdaman ko kasi, ayaw ko kasing may biglaang bumibisita kay baby. Di naman sa selfish ako ha, pero umiiwas talaga ako magkasakit si baby. Nalaman ko nalang andito friends ni partner tapos kinarga pa si baby. Nalaman namin nagsend ng picture sa messenger. Hindi man lang nag chat ahead of time na pupunta sila. Gusto ko sanang echat kaso di ko kasi friends yun. Paano ko ba pagsabihan? Aside sa di ko sila friends, baka isipin nila selfish pa ako, eh alam nila ninong at ninang sila. Di ako sure paano yung gentle approach kasi nahihirapan si partner pagsabihan, since elementary nia bestfriend yung ninong, then gf si ninang.
Di ko lang talaga gusto magkasakit si baby. Given na smoker yung ninong and palagi pang gumagala kung saan - outside prvince. Kasi diba minsan akala natin wala tayong dalang virus, pero meron pala. Tips naman po paano ko echat yung mga friends ni partner na di selfish or maldita yung tono. TIA! #advicepls #pleasehelp #firsttimemom #FTM #firstbaby
Anonymous