OKAY LANG BA MAY BUMISITA SA BABY NYO NA DI NAGSASABI? Tips naman paano ko econfront in a nice way.

Hello, mommies! Please know first time mom ako and ang first baby ko mag to-two months palang. Para sakin, bago talaga lahat ng ito kasi mama ko namatay nong 1 year old palang ako, at only child pa, so wala akong idea paano magbantay ng bata, paano mag react minsan sa mga sabi2x ng matatanda, etc, alam nyo na. So question po, di kasi ako sure kung okay lang tong nararamdaman ko kasi, ayaw ko kasing may biglaang bumibisita kay baby. Di naman sa selfish ako ha, pero umiiwas talaga ako magkasakit si baby. Nalaman ko nalang andito friends ni partner tapos kinarga pa si baby. Nalaman namin nagsend ng picture sa messenger. Hindi man lang nag chat ahead of time na pupunta sila. Gusto ko sanang echat kaso di ko kasi friends yun. Paano ko ba pagsabihan? Aside sa di ko sila friends, baka isipin nila selfish pa ako, eh alam nila ninong at ninang sila. Di ako sure paano yung gentle approach kasi nahihirapan si partner pagsabihan, since elementary nia bestfriend yung ninong, then gf si ninang. Di ko lang talaga gusto magkasakit si baby. Given na smoker yung ninong and palagi pang gumagala kung saan - outside prvince. Kasi diba minsan akala natin wala tayong dalang virus, pero meron pala. Tips naman po paano ko echat yung mga friends ni partner na di selfish or maldita yung tono. TIA! #advicepls #pleasehelp #firsttimemom #FTM #firstbaby

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mommy kung biglaan dating make sure na lagi kayo may Alcohol kahit pagkasok palang ng bahay at kayo magulang lang ang magbuhat kay baby.. dapat ganito "bawal muna buhat kay baby" in a nice way yung naka smile kayo at hindi sarcastic . actually kung kaibigan talaga sila maiintindihan nila yon. kung tuusin nga ang mga tunay na magkakaibigan kahit bardagulan pa pagkakasabi ay Ok lang e hindi magiging sensitive kasi db ganon ang mga magkakaibigan nagmumurahan pa nga at prangkahan Pero hindi nagtatanim ng galit.. Tandaan para yan sa kapakanan ng baby niyo lalo na hindi pa rin tapos ang COVID andyan pa rin yan sa paligid ligid...

Magbasa pa
2y ago

thanks myy. Kanina kasi nalaman nalang namin na andito na sila at nabuhat na nila si baby. Di man lang nakapagsabi yung nagbabantay sakin kasi may work ako. Maliligo na sana si baby, pero dumating bisita. Pero napagsabihan ko na. So far okay naman response nila. Thanks po!

Ay, kailangan niyo maging firm. Walang hiya hiya pagdating sa health ng baby. Ang asawa ko mi, siya ang nagkukusa magsalita sa family at friends niya during those times na infant pa si baby na wala muna dadalaw dahil baby pa nga. Kung may dumating man dahil sa ibang bagay, sinisilip lang si baby at hindi nilalapitan lalo kung galing sa labas at nakahalubilo ng madaming tao. Nung pumapayag na kami na may mag visit kay baby, kailangan pa rin nila mag alcohol ng madami hanggang braso at need mag mask kung kakarga sila. kailangan niyo maging firm. maarte kung maarte, di naman sila ang mahihirapan pag nagkasakit yung bata.

Magbasa pa
2y ago

yes, mommy. Napagsabihan ko na. Ako nalang talaga nag chat, bahala na kung ano isipin nila. Di ko naman kailangan maging friend lahat. Friends naman po sila ni mister. Thanks po! ๐Ÿ™๐Ÿผ