Blood On Poop

hi mommies, please excuse the pic. normal lang po ba tong poop no baby ? 1month and 26days pa po siya, nung first change ko ng diaper nya is di masyado marami blood. pero nung second medyo madami na , nakakaworry mommies :( ... wala naman sugat sa pwet nya, and so far di naman siya umiiyak at wala naman siya lagnat., sana okay lng si baby :( TIA#advicepls

Blood On Poop
22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

less than a month si baby momsh. . .yan din poop niya,ilang beses kami pabalik2 sa pedia,ilang beses din sya na stool exam,so far normala ang result except lang sa blood...hindi rin nagrireklamo si baby,as in normal,diagnose sya as cow's milk allergy kasi mahina pa gatas ko nun kaya mixed feeding muna Enfamil A+,pina change sakin into Nutramigen 1,then cont BF parin,3 weeks namin sa Nutramigen 1 nawala yung blood sa poop nya until going 4th week bumalik ang blood,balik ulit ako sa pedia hanggang nag advice na purely bf na daw si baby,never na mag offer formula milk,although nag offer parin ako kasi nakakaawa nakukulangan sa gatas ko,peru back up nalang. Hanggang sa na purely BF ko na talaga sya sa 2nd month niya. Kahit naka pure BF na ako andun pa din naman ang blood peru hindi na tulad ng dati,paunti2 lang..hanggang sa nakatuntong sya ng 3months nawala na talaga... I'm just sharing my experience mommy..peru advice ko parin sayo magpacheck sa pedia. Maybe same tayo ng symptoms peru mas mainam parin na may pediatrician nakaalalay sayo..😊

Magbasa pa
Post reply image
2y ago

ganyan din bb q pero nawawala nmn bf din aq d q pa sya npacheckup kc normal nman sya wlang sakit wlang lagnat d nmn namamayat sa kinakain din cgro ng ina allergy ang bb kc minsan lang nmn