Teething baby

Hello mommies please enlighten me. Nagngingipin kasi ang baby ko. Noong tumubo una nyang ngipin nagkaubo at sipon sya pero never nilagnat. Noong pangalawa nagkaubo at sipon ulit sya. Two months nakalipas bago ulit tumubo yung dalawa sa taas nag ubo at sipon na naman sya at nagsinat din. So parang palatandaan na na magngingipin sya pag nagkakasipon at ubo na sya. Ngayon tumutubo na naman yung isang ngipin nya sa taas at nagkasinat sya. Iritable sya at iyak ng iyak. Hindi ko sya pinaliguan noong nagsinat sya, punas punas lang. Pero pag ok naman sya at hindi nagkakasinat pinapaliguan ko talaga o shina-showeran kasi mainit ang panahon. So etong FIL ko madaming say about sa pagkakasakit ng baby ko, alam ko namang concern sya pero paulit ulit kasi yung sinasabi nya na kaya daw nilalagnat kasi lagi ko pinapaliguan, nasobrahan daw sa pagpapaligo, nagngingipin daw kaya bawal paliguan dapat. Minsan pag may sinasabi sya yung mga SIL ko nalang ang sumasagot sa kanya. Minsan feeling ko baka nga may pagkakamali ako kaya nagkakasakit ang baby ko. Pero ang masakit dun ay yung parang sisisihin ka pa. What's your insight about this mommies? Ganito din ba babies nyo nung nagngipin?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi, as per pedia hindi naman talaga normal na mag fever, diarrhea, ubo o sipon ang baby na nagnngipin. nagkakasakit sila dahil sa pagsubo nila ng mga bagay bagay para ma relieve ung sakit ng pag nngipin, doon nila nkkuha ung sakit o virus at hindi dahil tinutubuan ng ngipin.. try to put some teething gel po and always sanitize everything lalo na toys ni baby na lagi nya sinusubo. sa pagpapaligo naman, my personal thoughts is okay lang maligo kahit twice a day lalo na kung sobrang init, lalo na ngayon.. as long as quick bath lang and warm water naman pag sa gabi papaliguan. ☺️

Magbasa pa