Pacifier

Hi mommies! Pinapagamit nyo ba ng pacifier ang babies nyo? Baby ko is 2 months old, ebf.

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

pwede naman mamsh as long as hindi sya ipapagamit para tumahimik si baby sa pag iyak. Baby ko mag 2months na pinagamit ko para lang after dede para makatulog kasi minsan gusto lang nya dede ng dede eh na overfeed na sya, and payo lang po ortho na pacifier bilhin nyo para di madeform teeth ni baby. Base on my exp. hindi naman na ni-nipple confuse si baby. anyways, breastfeed po ako :)

Magbasa pa

Depende din po momsh kung gusto ni baby. Sken kc pinatry ko sya nung 1month old sya pero ayaw nya tlga. Then sinubukan ko ult nung nag 2months na sya same ayaw nya pa din. Pero nung turning 3months na sya natuto na sya ng thumb-sucking until now na 4months na sya ayon ung gnagawa nya bago sya makatulog. 😊

Magbasa pa

going 3 months na si baby. di ko sya pinapagamit. ayoko kasing masanay sya e. kaya naman nyang matulog ng walang pacifier. kung bottle fed sya, dapat yung nipe e di nag ooverflow para matagal nyang dedehin.

VIP Member

Normal pacifier Pros: SIDS prevention Cons: kabagin and madedeform yung formation ng gums nya NICU soothe pacifier Safe sa gums hindi nakakakabag and sids prevention narin... Can use any ages..

Magbasa pa
6y ago

Hi mommy. Merong product ang Avent Philips. Meron sa Shopee pero try din sa mga malls. :)

sabi nila pag daw ebf ka wag na ipacifier si baby. nkakahina daw yun ng supply ng milk kase nakukuntento si baby sa pag ot.ot ng pacifier nya, saka sa experience ko pumangit tubo ng teeth ng baby ko.

advice po ng pedia sakin hanggat maaari wag po pagamitin ng pacifier c baby lalo na kung breastfeeding sya kasi malilito sya ang breastfeeding kasi ang pinakabonding nyo ni baby

yes po. at hanggang ngayon ginagamit nya pa rin first pacifier nya. nasanay kasi na matulog dumedede sa akin or may nakasuksok sa bunganga nya. pero kahit naman wala yun ok lang.

6y ago

1yr and 4months na sya.

Hindi mamsh, ebf din ako. Pero hindi ko pinagamit baby ko nyan. Baka kasi ma dependent na sya sa pacifier at kunti nalang ang latch nya sakin..

6y ago

Ahh okay okay. Thank u mamsh :)

Yung baby ko momshie never nakaranas magpacifier. 😅 not okay kasi sa baby lalo na pag nagkangipin na siya.

no .. kawawa nmn c baby kung ipapacifier lng dahil lng ayaw mo sya padedehin o gusto mo lng sya tumahimik..

6y ago

Hehe okay lang po. Thank u pa rin po sa response. Well appreciated :)