Parant lang po

Hello mommies, pashare lang kanina nagpunta ako ng lying in may biglang sinugod na babae 21 yrs old nag aaral hindi daw alam na buntis siya at yung nanay nung babae iyak ng iyak. Ayoko sana mang judge dahil hindi rin naman ako matinong babae pero for 9 mos na hindi mo alam na buntis ka? Parang napaka imposible at iresponsable ang daming buntis dito ngayon kagaya ko na ginagawa lahat ng check up, umiinom ng vitamins, kinakain kung ano anong prutas at gulay para lang maging healthy at normal yung baby at ang daming gusto magka anak tapos ganon ganon na lang? Ang akin lang naawa ako sa baby na wala manlang naging pag aalaga yung nanay niya at nakakaawa pa wala manlang kahit anong gamit yung baby pagka labas nanghiram pa don sa isang babaen kakapanganak lang. Ang lungkot at nakakainis kasi buti na lng at normal naging baby niya. #RantNgFTM #Rant

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pwedeng case ng cryptic pregnancy. Nagsisinungaling man siya o hindi, na di niya alam na buntis siya. Atleast nairaos ng maayos panganganak niya. Sana maging responsible siya ngayon na ina na siya. Let's hope and pray na maging okay ang buhay ng bata sa pag aalaga ng mommy na iyon. Hindi pa naman huli ang lahat para bigyan niya ng love and attention ang anak niya na di niya nabigay while pregnant siya. Tama ka naman na nakaka awa si baby, sa ngayon. Sana mapunan pa ng ina niya ang pagkukulang na dinanas ng bata.

Magbasa pa

Di ako mag judge, meron talaga ganyan mi. Pero kung slim siya, tapos alam niya dalaw niya. Malalaman niya yun, takot lang siguro siya magsabe sa parent's niya mi kase nag aaral siya. Siguro alam na niya yun, kase ako nun 7 months bago ko pinaalam hehe. Alam na ng mama yun, instinct na. Inaantay lang magsabe, lalo na pag strict ang parents. Ngayon siguro malalaman na niya, tapos i orient naman siya dun .... Kawawa ngalang ang bata, pero di natin knows ang story din. kaya sana malampasan na niya

Magbasa pa

weird man pero mag ganyang cases talaga. cryptic pregnancy ung term. mostly sa mga may pcos sya nangyayari kasi irregular yung mens nila at the same time, baka hindi magalaw si baby. sakin kasi, yung baby ko hindi ko rin gaano maramdaman nung nagbubuntis pa ko kasi ung placenta ko nasa harap 😅 kaya nung nagpapa checkup ako, hanapan ng bongga sa pag doppler para sa malakas na HB.

Magbasa pa

Wag ka ma stress dahil dyan sizt. Maraming cases ng ganyan. Panoorin mo yung “I didn’t know I was pregnant” tv show yan. Cryptic pregnancy ang tawag dyan. Mostly yung may irregular menstruation. Saka nalang nila alam na buntis pala sila nung day na nanganak sila, ang alam nila may nakain lang sila na hindi sira at nanganganak pa sa cr. Healthy nga rin yung mga babies nila.

Magbasa pa

hanggang sa manganganak nlng sya tinago nya kawawang baby inconsiderate ang ina hay nako dami gusto magka anak tapos ganon lang sknla yun🤦‍♀️

Alam niya na buntis sya,sinabi niya lang na di niya alam siguro para di mapagalitan. Dun ako naaawa sa baby,hindi sa nanay.

May nabasa akong ganto hndi sya aware na pregnant sya nanganak sya sa plane. Hayaan mo sila mi hehe take care of yourself.

Hello. Hindi natin alam, baka cryptic pregnancy. Wag ka na paapekto sakanila, importante ikaw.

2y ago

Sa mga napapanuod ko kasi, yung mga trying talaga pero nawalan na ng pagasa, sa sobrnag pagka cryptic ng pregnancy nila, hindi nila alam na pregnant sila manganganak na lang sila before nila nalaman. So, di talag natin masabi. Kaya wag na lang pastress. Minsan kasi nakakastress din pagiging opinionated sa lahat ng bagay.

sadyang di napag laanan yon sis 🙄