Baby kicks

Hello mommies! Pansin ko po hindi nag papa ramdam yung baby ko sa tumtums pag ang daddy ang nakahawak. Ako pa lang nakakaramdam na nag kikick sya tsaka yung very subtle heartbeat nararamdaman rin if hinahawakan ko yung tyan ko. Hehe ano po usually ginagawa nyo para maramdaraman rin ng daddy yung kicks nya? Hehe. Nakakalambot rin kasi ng puso 🤎 #firstbaby

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sakin mami, nung una ganyan din si baby. pag gusto ng dadi nya mafeel movement kahit malikot sya, bigla nalang magbbehave. gnawa ko lang dati is kapag nakahiga na si hubby, tas nakayakap sya sa tyan ko, ihinihimas ko yung kamay ni hubby tas kakausapin ko si baby na play sila kase hawak siya ng dadi nya. mga 1wk ko rin gnawa yun. hanggang later on, sguro naging familiar na si baby sa loob ayun, lagi na sya magiging active pag snabi ko pauwe na dadi nya. tapos pag hawak na ni hubby yung tiyan ko, tas sinabi ni hubby na, "nakauwe na si dadi" automatic gagalaw na sya. tuwang tuwa yung hubby ko. midshift kase sched nya sa work, most of the time active si baby sa gabi kaya ako lang lagi nkakafeel ng movement nya.

Magbasa pa
3y ago

Cutie!!! Hope I could do the same too hehe. Momma’s boy ata baby namin lol

Related Articles