OB- Perinat / APAS

Hi mommies. Pa share naman po ng pregnancy journey niyo. 2x miscarriage po ako. Sabi ng OB ko irerefer na daw po ako sa OB-Perinat to check for APAS. How much po nagastos niyo? Kamusta po check-ups niyo? Kamusta po delivery niyo? Thank you po!

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Coba pakai produknya mama's choice bun. https://shope.ee/9KLw1ZdiEL . Produknya sudah sesuai anjuran IDAI dan FDA, 100% aman. Bisa cek langsung di tokonya >> https://shope.ee/9KLw1ZdiEL , lagi ada free gift barang seharga 87.000 dan voucher diskon 100.000 bun. 5240699

VIP Member

Me po dati nung nagpapanel test ako, umabot ng mga 20k plus sa St. Luke's po yun para malaman kung anong RID Category po. Check up po may hmo naman. Delivery CS, nasa 70K hindi pa po kasama yung mga ultrasound and lab tests na request ng OB

3w ago

thank you mommy. praying pa din ako na mag negative sa RID. pero mukang irerecommend na kami for screening.

27k po sakin sa hi precision diagnostic.. magastos ang gamot sa apas. everyday ka mag iinject ng tinzaparin sa tummy.. 900pesos ang isang vial sa mercury mga limang turukan ko na un..

3w ago

wla po mommy.. magastos lalu skn kc gdm at hypertensive din ako. bukod sa gamot sa apas, nagtuturok din ako ng insulin at nainom for bp control plus aspirin pa.. every 2weeks ang check up sa perinat for monitoring..

preggy na din po kayo? 2x losses din ako. diagnosed as APAS. preggy na ako 13 weeks, ob-perinat po doctor ko. nakaka 22k na ako sa checkups at gamot

4w ago

di po ko nagpatest kulang sa funds. nagpaalaga na lang po ako sa ob-rei. may iba ako napatest di sya nakumpleto lahat tulad ng pang thyroid, ANA, TPO sakop ng maxicare. binigyan ako ng mga vitamins na need ko at inalam nya medical history ko. bago magconceive nakalow dose aspirin ako, ngayong preggy 100mg na aspirin ko tinaasan ni obperinat. may mild pcos ako sa left ovary, yung right ovary ko nag oovulate ng maayos. nagfocus yung vits na tinake ko sa pagpapaganda ng quality ng egg at pamboost ng immune system nung conceiving. may iba din na categories ang reproductive immune disorder (rid), isa lang dun yung apas w/c is pang category 2 sya. lahat ng test pag cat 1,2,3 & 5 napinaestimate ko ay - 30k pesos sa bloodworks alabang sa hiprecision 8.5k apas work up depende sa branch sa bloodworks 12.5k apas comprehensive