How to Balance???

Hi mommies. Pa-help naman po. I have 3 mos old baby, plain housewife lang ako. Yung ka-live in ko naman po nagttrabaho pero hindi na sapat yung sahod niya sa pang-araw araw namin since lumipat kami. I'm planning to work sa isang BPO company. Actually nakapasa na po ako sa phone interview. Sa next interview ko nman po di ko po alam gagawin kasi pure breastfed po kami ng baby ko. Tama po ba desisyon ko na mag-work kesa maging full time mom muna? Ano po tips niyo kung sakaling matuloy yung next interview ko at ma-hired ako? Kung kanino ko iiwan yung baby ko at ano gagawin? Any helpful tips mommies? Please I need one.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

I'm a single mom at ang baby ko ngayon ay 3 months old din momshie. Mahirap ang walang trabaho pero mas mahirap para sakin ang iwan ang baby ko na hindi pa nag iisang taon kasi full time ako nagpapa breastfeed, I feel guilty na hindi nya makukuha ang sapat na nutrition ang gatas ng isang ina. So currently I'm doing small business para may makain naman ako sa araw-araw. At kung sakaling gusto mo talagang mag work, iwan mo sa pamilya mo o sa isang tao na makakapagtiwalaan mo para maalagaan ng maayos ang baby mo.

Magbasa pa
5y ago

As long as kaya ng mother mo mag alaga kay baby momsh sa kanya mo lang ipagkatiwala ang baby mo, mahirap talaga magtiwala sa panahon ngayon.