Opinions..

Hi mommies out there .. Gusto ko lng po marinig opinion ng iba pra may pagbasehan ng mga desisyon n ggwin ko .. Ganto po kse un, dto kmi nkatira sa bhay ng parents ko.. Ngayon may ugali si mama n ayaw n ayaw ko gnon dn ung asawa ko .. Ung kda sahod ni mister alm n alm na ni mama at parinig ng parinig n wlng gnto gnyan may mniningil buks may bbyaran mmya at kinukwento p sa kapitbhay ng kung anu ano .. Kya gusto n nmin bumukod so nghahanap n kmi ng mlilipatang bhay ... Ngayon nung sinabi ko kay mama n lilipat kmi rmdm kong msma loob nia, mbgat rn sakn kse dto ako lumaki at mlaki dn ggwin kong adjustment kung skali kse mag isa ko nlng mag aalaga ... Commnt down nmn po ng mga opininon nyo abt dto..

59 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same tau sis ,, ung smin nman ung stepfather ng partner ko ung ganyan ,, ultimo pangbili ng bisyo nia smin pa humihingi ,, halos lahat kmi ang nagastos sa bahay ,, gsto n tlga nmin umalis

Ako sis gustong gusto ko din bumukod tlga, kaso ayaw ng in laws ko dahil nag iisang anak lang si hubby, madaming nagsasabi na mas maganda daw talaga pag nakabukod kayong mag asawa..

iba pa rin po tlaga pag mai sarili kna pamilya mommy, d nmn kc pwede hbng buhay sa nanay at tatay tayo palgi...mas mabuti dn yung bumokod kayo pra mkapag pundar at mkilala nyo isat isa

Ako din po gnyan kya pgkpnganak at pwd n ibyahe c baby uuwi kmi sa in laws ko. Mas ok ugali ng in laws ko kesa sa parents ko. Saka mhhrpn asawa ko kung tuwing day off uuwi sa bhy.

Hi Sis mas maganda talaga yung nakabukod kayo magasawa, nakakailang din magdesisyon pag may kasama sa bahay. Mas mararamdaman nyoisat isa kung kayo lang ng asawa mo at anak.

Yes, agree po ako na bumukod na kayo. Bumubuo na po kayo ng sarili nyong pamilya kaya importante na meron kayong funds. Bigyan nyo po yung mama mo kung meron kayong extra.

Leave and cleave. Pag may asawa at sariling pamilya ka na dapat nakabukod kana. Regardless kng ano iisipin ng iba o pamilya mo. Unahin mo sarili mong pamilya.

pag ka nag asawa sadya naman nabukod..masakit talaga un sau at sa magulang mo..pero ayun ang tama..sa una lang e mahirap pero pag laon e masasanay ka na din

Super Mum

Darating po talaga ang time na mahihiwalay na tayo sa parents ng tirahan. Matatanggap dn po yun ni Mama mo. Mas better na bumukod na kayo ni Hubby.

Bukod sis. Di naman talaga madali ang bumukod pero isipin mo rin si hubby mo. Im sure nahihirapan syang makisama. Para fair, bumukod nalang kayo.