Mommies. Okay lang naman mapagod at sumuko diba? Ganto kasi yun. Yung partner ko kasi pagod na ako sa kanya parang unti unti nawawala na pagmamahal ko sa kanya ilang araw na kaming di naguusap. Alam mo yung parang wala syang PANGARAP SA BUHAY? Lagi barkada inuuna sa isat kalahating taon namin lage ko nararamdaman second priority ako. 7 months pregnant ako ngayon napapagod na ako magalit sa kanya lage ko pinagsasabihan na wag mag inom wag gala ng gala kasi nga nasa pandemic tayo ngayon. alam nyo anong sinagot nya? "SINO NALANG MGA KAIBIGAN KO NETO"? LAGE NA NGA AKO PINAGTATAWANAN KASI NASA BAHAY AKO LAGE" take note po. Sa relasyon namin lage ko sya sinusupurtahan sinasabayan ko pa sya lage sa mga trip nya sa barkada nya. Pero lage ko sinasabi sa kanya dapat may LIMIT . pero parang di nya naiintindihan side ko. Dun pa lang sa sinabi nya na "SINO NALANG KAIBIGAN KO NETO?" p*ta nawalan na ako gana mga mamsh kasi yung nararamdaman ko mas importante pala sa kanya yung barkada nya? Baket ako? Naiwan ko lahat para sa kanya? Para sa relasyon namin. Barkada,inom iniwan ko yun lahat nagpaka buting may bahay ako. Pero ewan ko ba pagod na nga talaga siguro ako pagod na akong ibangon sya! Pagod na akong i motivate sya! Pagod na pagod na akong mahalin sya. Parang naipon lahat ng sakit na nagawa nya saken. Naipon lahat dito sa puso ko. At gusto ko na syang hiwalayan. Kasi nsiistress na ako puro sama ng loob nalang binibigay nya saken. Nakakapagod na
Satiana Elise