hopeless

Mommies. Okay lang naman mapagod at sumuko diba? Ganto kasi yun. Yung partner ko kasi pagod na ako sa kanya parang unti unti nawawala na pagmamahal ko sa kanya ilang araw na kaming di naguusap. Alam mo yung parang wala syang PANGARAP SA BUHAY? Lagi barkada inuuna sa isat kalahating taon namin lage ko nararamdaman second priority ako. 7 months pregnant ako ngayon napapagod na ako magalit sa kanya lage ko pinagsasabihan na wag mag inom wag gala ng gala kasi nga nasa pandemic tayo ngayon. alam nyo anong sinagot nya? "SINO NALANG MGA KAIBIGAN KO NETO"? LAGE NA NGA AKO PINAGTATAWANAN KASI NASA BAHAY AKO LAGE" take note po. Sa relasyon namin lage ko sya sinusupurtahan sinasabayan ko pa sya lage sa mga trip nya sa barkada nya. Pero lage ko sinasabi sa kanya dapat may LIMIT . pero parang di nya naiintindihan side ko. Dun pa lang sa sinabi nya na "SINO NALANG KAIBIGAN KO NETO?" p*ta nawalan na ako gana mga mamsh kasi yung nararamdaman ko mas importante pala sa kanya yung barkada nya? Baket ako? Naiwan ko lahat para sa kanya? Para sa relasyon namin. Barkada,inom iniwan ko yun lahat nagpaka buting may bahay ako. Pero ewan ko ba pagod na nga talaga siguro ako pagod na akong ibangon sya! Pagod na akong i motivate sya! Pagod na pagod na akong mahalin sya. Parang naipon lahat ng sakit na nagawa nya saken. Naipon lahat dito sa puso ko. At gusto ko na syang hiwalayan. Kasi nsiistress na ako puro sama ng loob nalang binibigay nya saken. Nakakapagod na

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Wala kang mapapala pag ganyan thinking ng guy. San na lng kayo pupulutin ng anak mo? Kng di kayo priority iwan mo na, instead na ung baby mo lng aalalahanin mo and papakainin pati ung partner mo dagdag alalahanin pa.

Same na same tayo ng situation. Hay nakaka drain talaga pag pa ulit ulit nalang ginagawa nya to the point na kahit gaano mo sya kamahal ma fafaall out of love ka bigla bigla at mapapagod na. 😔

4y ago

Literal na manhid at sawa na fefeel ko ngayon. Focus nalang ako kay baby sa paglabas nya hehe. Ikaw din ganon gawin mo. God is good po sya nalang bahala sa lahat lahat. 🙏