Week 6 and a day pregnant

Hi mommies. Nawawalan din ba kayo ng gana kumain nung early stage ng preganancy niyo? 😊#advicepls #momlife #1stimemom #firstbaby

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes. 😂 first two months, kasi palagi na lang inaantok. mas gustuhin pang matulog kesa kumain. tas paggising sobrang gutom. kasi hindi ko pa alam na preggy na ko. 😂😅 eh ako yung taong tulog muna bago pagkain 😂 but after ko naman malaman, ayun bawi bawi din kay baby. Halos mayat maya na kumain. 😅 And before ECQ lumabas na ang isang healthy baby Jacob ♥️ well, my first baby too 😇 Congrats to you Charisse 🎉😇

Magbasa pa

yes, mahina ako kumain nun.. tpos puro pag susuka pa ko at kung ano ano masasamang nararamdaman ko noon.. pero ngayon 3rd trimester, wala na.. sobrang takaw ko na.. kya nag bbrown rice na ko at wheat bread para khit masobrahan ako sa kain ok lng..

yes po sobra, oatmeal lang kaya tanggapin ng chan ko minsan sinusuka ko pa, pero need mag chaga at tiis,.pero nag 10 weeks na ako unti unti na nabalik ang gana ko sa pagkain. kaya yan momsh. eat small amount lng.

Yes. 12 weeks na ako & I feel a bit better now (sana tuloy-tuloy na). Pero nung first few weeks ko, choosy ako sa food. Gutom ako pero parang ayokong kumain 😅 Normal lang daw sabi ng ibang mommies.

VIP Member

me too, 6weeks preggy, no rice kc sinusuka ko puro papak lang ako sa ulam, then i discovered mga root crop pra may laman lang tyan ko (saba, camote, at mais) #1stmommytoo.. 😊

1st trimester po wala akong gana at parating nasusuka normal naman po yan kasi naglilihi ka pa pag nag second trimester kana po tsaka ka na makakabawi 😊

yes momshie almost 3months ako hindi kumakain subrang hirap paglilihi but after 3 months maging ok nadin makaron kana ng gana. sa lahat ng food😊

ako 1month ako na hindi kumain dahil sa acid reflux ko...at dalawang beses din ako na confined sa hospital..buti nalng unti2 na akong naging ok ngayon

Yes po mommy sobra napayat pa nga ako nuon hehe pero pagdating ng 4 months grabe naman cravings ko sa mga pagkain biglang taas din timbang haha

yes be, ako 6weeks&3days mahina padin kumaen palaging feel ko masusuka ako kaya dikona nauubos pagkain ko.try ko eat ng wala masyadong lasa.