92 Replies
Hehe 😅 Lahat ng tao sa paligid ko (family, friends, neighbors) sinasabi na girl ang baby ko dahil blooming "daw" ako. Lahat sila baby girl ang boto kaya noong nagpa-ultrasound ako at baby boy, medyo nanigurado pa talaga ako pero baby boy talaga 😁 Edi ayun! gulat na gulat silang lahat! hahahaha! Siguro depende po yan sa buntis 🙂 Ako po kasi nakasanayan kong maayos lagi sa katawan lalo na pag lalabas ako at good vibes lang palagi kahit sa loob-loob ay stress na stress at pagod na pagod na. Lagi kong pinapakita sa mga tao na masaya ako kaya siguro nasasabi nila na "blooming" ako.
Dun s dlwang junakis KU b4 blooming Aku pnagbubuntis CLA tas slim lng aku, same boy. Now pang 3rd baby 2months preggy sobrang panget Dame tumu2bo na pimples and super oily Ng face KU kht anung linis gwin kuh nag oily pa dn. Tas UNG hair KU nagddry. Tas UNG face KU sobrang bilog na Nia Ang laki Ng tinaba KU😢 Nakakainis. Ang pAnget Ng tingin KU sa srli KU ngaun pero pag lumabas Aku sa Haus tngin nilA blooming aku pnagkakatuwaan pa nilA kuh Ang ganda DW KC pumintog Aku. How I wish this is a baby girl kht sobrang naiistress aku pag nharao sa salamin.😅😁
Thank you sa mga reply 🙂 Nakakasad lang kasi, hindi ako nakapag ultrasound today, risky ang paglabas-labas ng mga buntis, so, it's better to be safe 👌 Excited pa man din ako gumising kaninang umaga para malaman kung boy o girl si baby, kaso di pinayagan 🙂 Pero since then kasi, feeling ko ang panget-panget ko at walang glow mukha ko. So iniisip ng iba lalaki si baby, pero sabi naman ng iba, girl daw, kasi mabait akong nagbuntis at sabi ng iba blooming. Kaya medyo nakakalito lang 😂
Parang may scientific basis po yata talaga yun, mas mahirap daw po talaga mag carry ng lalaki kaya mas may tendency na haggard si mommy while opposite naman kapag babae pero di po ako naniniwala sa sabi-sabi na kapag blooming, girl at kapag haggard, babae. May kakilala po ako, halos ganon pa rin itsura at meron namang isa, medyo nangitim tapos dumami pimples pero both boy baby nila. Nasa katawan din po siguro. :)
Momsh naniniwala ako jan pero sa panahon ngaun hindi na yan iniisip ng mga tao.. Kaso, sa case ko napatunayan ko na yes tama yan, sa boy ko halos ang laki ng tyan ko puro pimples and iba tlaaga haggard ka 2014 pagbubuntis ko 1st born.. Now 33weeks with baby girl, maliit tummy ko, my pimple pero konti lang mas magaan sa pakiramdam kaya nkalapagayos2 and iba ang bloom nh mukha..
Dito samin, madaming nagsasabing ganyan, medyo naniniwala ako, kase madaming nagsasabi na ang blooming ko magbuntis, walang nagbago sa mukha ko, at kahit batok at kili Kili ko hindi nangitim. 😊 And nung nagpa ultrasound ako, babae ang lumabas sa ultrasound 😊💓 Rightnow, hinihintay na lang talaga na mag labor ako hahaha.
Nung first trimester ko haggard kung haggard. Haha. Tas nung lumabas na yung ultrasound ko (girl 😍) naging blooming na ulit. Siguro dahil stress ako nung una and ang daming iniisip, as per ob said kasi kung hahayaan ko yung sarili ko, baka buong pregnancy period chakaness ang mommy. Vitamins, fruits and water lang okay na ☺️
Hindi po. Kase ako po lalake anak ko, never naman ako nagmukhang haggard habang nagbubuntis.. hindi rin nangitim ang leeg ko. Feeling ko rin, iba iba ang case sa mga mothers. Inaasar pa nila ako na girl ang anak ko kae blooming nga ako. Pero keri lang kase confirmed naman na sa ultra sound.
Ako naman, feel na feel ko na ampangit ko kaya akala ko BOY ang baby ko. Pero kapag ibang tao naman, sinsasabi nila na babae daw kasi ang radiant ng face ko mas lalo daw kuminis pero deep inside napapangitan talaga ako sa sarili ko. Last week, nagpa UTZ ako at baby girl ang dinadala ko hahaha kaloka
Naku mommy walang kahit anong basehan talaga. Nung buntis ako sa panganay ko sobrang haggard ko din haha nangitim ung leeg ko lumaki ung ilong pangit2 ko talaga .andaming nagsasabi na boy pinagbubuntis ko ayun girl nung inultrasound😂 parang ayaw ko pa maniwala nun e hahahah pero girl talaga.