Mas enjoy ni husband lumabas instead alagaan baby?
Hi mommies, may nakakarelate po ba sa akin dito? Yung husband ko kasi mahilig maggolf. Dati nung bf/gf pa lang kami naggolf naman sya pero hindi sobra. Ngayon na may baby na kami (both working from home kami and with yaya naman), lagi lumalabas para maggolf. Lagi na lang kami nagtatalo kasi ayoko sya maggolf sana dahil 1. Pandemic. Nakakatakot para sa safety namin. 2. Hindi nya masyado inaalagaan/nilalaro yung baby namin. Mas may time sya sa golf. 3. Magastos yung golf. Pinapayagan ko naman sya twice a month. Pero kulang sa kanya yun. Gusto nya mga 2 times a week. Sa tingin nyo po anong dapat gawin ko? Mali po ba ako? #pleasehelp #firstbaby #1stimemom #advicepls #husbandproblems #buhaymagasawa