Hi mommies. Nakaadmit na po ako sa hospital. Nagspotting ako kagabi 9pm. Uminim po ako pampakapit as advised ng Ob ko. 1230am nagbleed na po ako. Half ng napkin ang dami. Sinugod na ako ni hubby sa emergency. Advise ng ob ko for admission pero wala spare clean room (ung rooms na malayo sa covid cases). Nakalimang hospital po kami bago kami nakakita ng room. Hingi po ako ng prayers nyo na sana okay lang si baby. Bright red po ang dugo lumalabas sa kin til now. May progesterone na nilalagay sa vagina ko every 12 hours. Sabi po ng ob dito kanina, sarafo naman ang cervix ko. Bukas pa schedule ko ng tvs kasi wala available na sonologist. May naging same case din po ba gaya ng akin pero in the end okay naman si baby? Isama nyo po kami sa prayers nyo. Salamat po. #1stimemom #pregnancy #firstbaby #advicepls