Diabetic mommy here, anyone here na mommies and mommies to be with the same experience as mine

Hi mommies and mommies to be, diabetic po ako and my endo prescribed me to use insulin na. Comment nyo nmn po mga kinakain nyo to ease the hunger and can help me lower my sugar level. Im on my 6th weeks and wala pang heartbeat si baby ng pumunta ako last 2 weeks ago sa ob ko.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako mi diabetic bago pa mag buntis. Sa 1st pregnancy ko nakunan ako kasi di macontrol talaga sugar ko. Sa 2nd pregnancy ko nung nalaman namin na preggy ako pinag insulin na agad ako. Nanganak na ko nitong January. Okay na okay si baby. Rice pinaka malakas magpataas ng sugar. Kung kaya mo mag brown rice, go. Ako kasi bilis ko maumay to the point na papakagutom nalang ako kesa brown rice hahaha so lagi akong half white rice lang. tumitikim ako ng sweets pero as in tikim lang. di din ako super strict sa ulam basta wag masyado matatamis na ulam. Pinaka okay pa din vegetables talaga. Wag na wag magpapagutom, akala mo nakakatulong na di ka kumain pero no. Pag nagutom ka mas tataas sugar mo. Fruits konti lang kasi nakakataas pa din sugar. Sa fruits ang lagi ko lang kinakain ponkan, pineapple, banana. Mahalaga din na may glucometer ka. Pag tagal tagal with the help of glucometer nalaman ko kung ano nakaka taas ng sugar ko. Pwedeng sakin kasi nakakataas pero sayo pala hindi, vice versa. Kaya dapat may glucometer ka.

Magbasa pa