Diabetic mommy here, anyone here na mommies and mommies to be with the same experience as mine

Hi mommies and mommies to be, diabetic po ako and my endo prescribed me to use insulin na. Comment nyo nmn po mga kinakain nyo to ease the hunger and can help me lower my sugar level. Im on my 6th weeks and wala pang heartbeat si baby ng pumunta ako last 2 weeks ago sa ob ko.

17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako mi diabetic bago pa mag buntis. Sa 1st pregnancy ko nakunan ako kasi di macontrol talaga sugar ko. Sa 2nd pregnancy ko nung nalaman namin na preggy ako pinag insulin na agad ako. Nanganak na ko nitong January. Okay na okay si baby. Rice pinaka malakas magpataas ng sugar. Kung kaya mo mag brown rice, go. Ako kasi bilis ko maumay to the point na papakagutom nalang ako kesa brown rice hahaha so lagi akong half white rice lang. tumitikim ako ng sweets pero as in tikim lang. di din ako super strict sa ulam basta wag masyado matatamis na ulam. Pinaka okay pa din vegetables talaga. Wag na wag magpapagutom, akala mo nakakatulong na di ka kumain pero no. Pag nagutom ka mas tataas sugar mo. Fruits konti lang kasi nakakataas pa din sugar. Sa fruits ang lagi ko lang kinakain ponkan, pineapple, banana. Mahalaga din na may glucometer ka. Pag tagal tagal with the help of glucometer nalaman ko kung ano nakaka taas ng sugar ko. Pwedeng sakin kasi nakakataas pero sayo pala hindi, vice versa. Kaya dapat may glucometer ka.

Magbasa pa

mi ako nirefer ni endo ko s dietitian.. para alam ko ung mga foods na need kain at bawl at kung ilang percent lang yung dapt kainin.. no.1 pinabawasan skin is ung Rice.. pinagswitch ako s brown rice.. tapos iwas matatamis at maoily na foods.. more on fruits at vegetable kinakain ko.. thnk positive lang mi kaya mo yan.. basta isipin mo lang ung health ni baby.. para maencourage ka din na iwasan ung mga bawal.. im 26 weeks now.. kaya natin to.. lagi lang magdasal mi.. 1st time mom din ako... dto lang din ako nakakuha ng lakas ng loob.. s mga nagadvise skin n magtake n ng insulin at sundi lang si ob at endo... fighting lang β™₯οΈπŸ™

Magbasa pa

I had gestational diabetes on my 37th week pregnancy. Ng-iinject ako Ng insulin sa legs every morning bago breakfast. We changed our white rice into black rice at kinunti ko talaga kaina ko. fruits lng sa umaga, half rice sa lunch at dinner. At more water and walking and squatting on my 37th week onwards. I have been advised to be CS if Hindi pa lalabas si baby until my 40th week Kasi predictive hypertension din ako. In God's grace, nanganak ako 5 days pero my due date na normal delivery at wlang kimplikasyon c babyπŸ™πŸ™πŸ™

Magbasa pa

Hi mommy. Diagnosed Type 2 during my 2nd pregnancy. Wag k matakot mag insulin, it will help you control your sugar levels and eat food you are craving for. Pero xempre iwas pa din sa softdrinks, chocolates, etc. Pero my endo gave me a food list and amount I can eat. For example tlgang nag ccrave ka ng something, nka indicate don kung gano kadami pwde mo kainin so halos walang bawal pero limited portions lng tlga. 37th week now and ready to pop my rainbow-sugar baby anytime soon. πŸ₯°

Magbasa pa

Hello! Nadiagnose din po ako na diabetic (Type 2) bago pa man ako mabuntis. Nag-insulin rin po ako agad once nalaman na buntis. Nakatulong po sakin mga proteins at vegetables, minomonitor ko rin po nang maigi lahat ng kinakain ko para makita ko saan ako nagspike at saan hindi, medyo trial and error sa umpisa talaga. Sinabihan ako na mag rice pa rin pero super onti lang. Halos 4 maliit na kutsara lang sa breakfast, lunch, dinner.

Magbasa pa
2y ago

nong monday ako nag start

Same tayo ng diagnosis, pinag monitor ako ng sugar ko using glucometer 4x a day for 2weeks then after results 2x a day nlng ako pinag monitor in a month since nakita nya na kaya ko naman raw e control yung intake ko. Recent visit ko pinag insulin ako for 2weeks & 2x a day na monitor ulit ng sugar. To ease the hunger naman kumakain parin ako ng masarap but in moderation & more water talaga like 1-2gal a day nauubos ko hehe

Magbasa pa

ako nmn nka metformin 2x a day bago nabuntis,habang buntis at until now breastfeeding. Ingat na ingat ako sa food ko nung buntis ako, hindi ako ngrice entire pregnancy until now. Puro gulay ako non at prutas super iwas sa fastfood incase mg crave ako sa sweets e kumakaen ako pero maunti lng..2.7kg ng nlbas ko si baby and now 4 mos sya 7.4 kg na. Iwas ka lng sa bawal at more more gulay...nka anmum choco pa nga ako non e.

Magbasa pa
TapFluencer

same tau mhi. nag insulin aq. then 1/2 black rice per meal, then snacks na 1/4 rice. nag iiwas aq sa pork and beef. kc risk tau na taas din ang bp natin iwas lng na malipasan ng gutom. then iwas instant noodles/ canton, coated or filled biscuits grve mag pataas ng sugar. no milk. if nag crave ka ng milk bili glucerna

Magbasa pa

wheat bread at oatmeal. brown/red rice. Temptation and very challenging tlga magless ng food intake lalo sweets specially kung yun ang cravings mo. During pregnancy ko naka insulin tlga ako. So far okay naman si baby girl ko. kakapanganak ko lang 3 weeks ago. Good luck mommy 😊

2y ago

yes po pray lang πŸ™ good health and safe delivery sa inyo ni baby

THANK YOU TALAGA SA LAHAT! na appreciate lahat ng sharings and concerns nyo po.. yes po, susundin ko lahat and God bless po saatin! So far po nagpa utz ako khapon and may heartbeat na si baby however nag bbleeding po ako. babalik ako sa ob ko mamaya to check po.