10 Replies

Sa sitwasyon mo, mahalaga na maunawaan mo na hindi lahat ng mga pamilya ay madaling makabuo ng isa pang anak, kahit na wala namang ginagamit na contraceptives. Ang pagkakaroon ng ikalawang anak ay maaaring maging isang proseso na tumatagal ng ilang taon para sa ilan. Para matulungan ang iyong pagpaplano na magkaroon ng ikalawang anak, narito ang ilang mga tips: 1. **Consult a Fertility Specialist**: Maaaring makatulong ang pagkonsulta sa isang fertility specialist upang masuri ang iyong reproductive health at magbigay ng mga payo o gamot kung kinakailangan. 2. **Maintain a Healthy Lifestyle**: Mahalaga ang pagkain ng masustansya, regular na ehersisyo, at pag-iwas sa masamang bisyo upang mapanatili ang kalusugan ng iyong reproductive system. 3. **Take Prenatal Vitamins**: Maaaring makatulong ang pag-inom ng mga prenatal vitamins o supplements na naglalaman ng DHA (fish oil) upang mapabuti ang fertility at magdala ng mas maayos na pagbubuntis. 4. **Stress Management**: Baka makatulong ang pagbabawas ng stress sa pagtulong na maintindihan ng katawan na handa ka na para sa pangalawang pagbubuntis. 5. **Tracking Ovulation**: Subukan ang paggamit ng ovulation tracker o fertility monitor upang mas mapadali ang pagtukoy ng mga fertile days. Tandaan na bawat katawan ay iba-iba, kaya't maganda ring kumonsulta sa iyong doctor o ob-gynecologist para sa pormal na payo at pagsubaybay sa iyong pagpaplano na magkaroon ng pangalawang anak. Sana'y magtagumpay kayo sa inyong hangarin na magkaroon ng isa pang anak sa pamilya! https://invl.io/cll7hw5

magpacheck up po kayo ng mister nyo. hindi din maganda yung magpapaadvice kalang ng vitamins sa iba na hindi naman doctor, masama ang sobra sa particular na vitamins at di mo alam na hindi naman talaga yun ang kailangan ng katawan mo. magpacheck up kayo sa fertility doctor, ichecheck yung reproductive structure, kung nangingitlog ka ba at kung ok ba sperm ni mister mo. kung ano nagwork sa iba di ibigsabihin magwowork din sayo kasi iba iba tayo ng katawan. always pray, wag mapressure at wag magpastress. magtiwala sa right timing ng Diyos.

nagtry kami ng partner ko sundan ung 1st failed pregnancy ko for almost 2yrs din. nagyoyosi sya. so pina bawas ko yun kase nakaka apekto un sa sperm count nya tsaka tamang pahinga kami pareho iniwasan ung mga bagay na mag papastress samin since pareho kaming nagwowork. tas sinabayan ko ng glutathione sabi kase ng ob nakakatulong din un. at yun na nga nakabuo kami after 2yrs. Now im 21weeks preggy na.

TapFluencer

Base sa expirience ko nung gusto na namin ulit magkaton ng second baby nagvisit agad kmi sa ob. Binigyan kami ng doctor namin ng folic iinumin ng parner ko tsaka binigyan nya ko ng iniinsert sa kiffy ng gamot para malinis sa loob 3 months kmi uminum after 3 months nabuntis na ko. Visit po kayo sa doctor para mabigyan kayo ng right vitamins

Hello mi, kami ni hubby almost 3 years nang hindi nag withdrawal and trying to conceive pero hindi rin nkabuo. Npatanong nga ako kung ano kaya yung problem then nagtry akong magfollic acid, yung BELTA FOLIC ACID, nakita ko rin to dito sa app. After 1 month kong pag-inom, blessedly nakabuo. Now, I'm 3 mos pregnant. Thank you, Lord!

kami mamsh widrawal kami, mag 2 years old na first baby namin sa july 29 .. di naman namin planado at widrawal kami pero nabuo parin.. umiinom ako vitamin e.. after 7 years bago dumating samin yung first baby namin tapos now ambilis nabuo ni 2nd baby.. currently 11 weeks na po ako.. tiwala lang.. dasal po

kami hindi trying to conceived and hindi den kami nagwiwithdrawal pero di ako nabuntis, nabuntis lang ako nung nagtake na kami both ng mister ko ng vitamins sakanya multivitamins while sakin is iron supplement kasi nalaman kong mababa dugo ko then isang buwan lang nakabuo kami unexpected blessings 🫶✨

saamin ni Hubby nagpa check up kami nalaman.ma retroverted uterus Ako and irregular so Ang ginawa ko less rice since nkaka hormonal imbalance pag too much carbs ,then niresetahan kamiag asawa ng mga vitamins like Coq10, gluta,vitamin C and ferous for me.

Almost 3yrs nagtry, tapos walang iniinom na gamot, lahat sa loob din. Finally nakabuo. Heheh pansin ko lang nakabuo kami nung time na hindi kami stress pareho at kalmado kami sa work. Hindi pa ako nagkakamens nun. Heheh ☺️

paalaga po kayo sa OB para mabigyan po kayo ng mga supplements.

Trending na Tanong

Related Articles