Paniniwala ng matatanda

Mommies, meron ba ditong hindi sumunod sa sabi sabi ng matatanda na after manganak bawal magpahangin at maligo ng ilang linggo? At kailangan umupo sa pinakuluan na dahon ng bayabas para mas mag heal ang sugat? Wala namang mawawala kung susundin ang mga ito peri sa weather natin ngayon, mahirap sumunod dito. Isa pa, advice ng mga health professionals na dapat unahin ang hygiene lalo na new born ang aalagaan mo, diba? Nandito kasi ako sa side ng family ko at gusto nilang sundin ko ang mga ginawa nila dati which is I totally disagree lalo na payo ng doctors na mas madali mag heal and sugat pag naliligo lagi at di painitan, pero ayaw nila akong paniwalaan as if maling mali ako at sinabihan pa ko na wag daw maniwala sa mga bagong doctor ngayon. Kaya daw madaming sakitin at maagang namamatay na nanay ay dahil napasukan ng lamig dahil sa hindi pagsunod. Diba nga sabi ng doctors dapat always presko? May mommies ba dito na after manganak is namuhay lang ng normal like naligo agad at never sumunod sa mga ito? And until now normal naman at hindi nabinat or nasumpit tulad ng sinasabi nila? Thank you. #advicepls

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

makinig ka sa OB mo sis. prone tayo infection lalo pag my tahi sa tyan or sa private part natin. ako dati sa first baby ko sumunod ako sa lola ko 2weeks ako d pinaligo nag nana yung tahi ko imbis gumaling agad mas napatagal pa healing process ko. nung 2nd baby ko nag sabi si OB maligo agad kaya wala pang 24hrs na nanganak ako naligo na ko last 6yrs pa yon buhay pa naman ako mi. ngayon buntis ako sa 3rd ko pag ka panganak ko maliligo ako agad. kasi nga si baby lagi naka skin to skin satin. and lalo na pag BF mom kasi dumedede sila satin kaya need talaga malinis katawan natin.

Magbasa pa

oo ,,tapos ko nanganak sa akin apat,,nanililigo Ako,,,thanks God wla Naman masama nangyari s aakin,,at saka normal malang tapos manganak maligo

Sa tingin ko mas makinig tau mga momshies sa payo ng OB..💕