Pakikipagbalikan para mabuo ang pamilya
Mommies mag ask lang ako, magdadalawa na anak namin ng kinakasama ko isang 2 y/o at sa tummy ko 3 months. Dalawang beses na kami nagkagulo dahil sa pananakit nya yung una is turning 1 anak namin nagpapulis ako dahil nasaktan niya ako physically pero hindi ko tinuloy kaso dahil nagtrabaho ako sa manila at nagfocus sa work after ilangmonths nakipagbalikan sya at ako pumayag din dahil sino ba naman nanay ang ayaw buo ang pamilya especially naranasan ko na din broken family and tumagal tagal nagsisimula nanaman pagaaway ng madalas at naulit nanaman ang pananakit ngayon nagpapulis nanaman ako at nagpablotter ngayon iniisip ko if pupunta akong manila wala magaalaga sa anak ko at need ko iwan sa tatay niya o sa biyenan ko pero hindi ko kaya lalo na at buntis ako walang tutulong sa akin. Tama ba ang desisiyon ko ulit na bigyan nanaman sya ng pagkakataon na magbago para sa anak at magiging anak namin? TIA #pleasehelp #advicepls #respect_post
Ganito nangyari sa parents ko dati eh. Ang ending, mas gusto kong matulog sa bahay ng kaklase ko kesa umuwi samin kasi magulo sa bahay. Ang layo tuloy ng loob ko sa parents ko. Non-negotiable na dapat once pinagbuhatan ka ng kamay. It shows walang respeto sayo ang partner mo. Mamili ka nalang mi, complete family kayo pero broken kayo sa loob or separated kayo ng tatay ng mga anak mo pero may peace of mind kayong ng mga anak mo? Pwede naman kayong mag co-parenting ng tatay nila, so if may work ka pwede mo pa din iwan yung mga anak mo sakanya kasi responsibility nya namang alagaan anak nyo. Ang tanong lang ay kung safe ba ang mga anak mo sa tatay nya? Nakakasiguro ka bang hindi nya sasaktan ang mga bata? Isipin mo din kung gusto mong lumaki ang mga anak mo sa environment na toxic? Kung di ba sila lalaking may trauma pag nakikita nila paano ka saktan ng tatay nila. Possible din na ma adopt nila yung ganong ugali at saktan din nila yung magiging partner nila in the future. Hayaan mo munang ipakita ng tatay ng mga anak mo sayo na nagbago na sya bago ka makipagbalikan. Prove nya muna sarili nya sayo na deserving nya ng second chance. Ang dami ng batang depressed at nagsusuicide ngayon dahil sa family problems, sana wag na madagdagan :(
Magbasa pai'm from a broken family too pero kapag ako sinaktan na hindi ko itotolerate yan. wala siyang galang sa nanay ng mga anak niya, akala mo wala siyang nanay. ibang usapan na kasi kapag pinag buhatan ka ng kamay, hindi lang sa physical ka nasaktan for sure pati emotional. nagbigay ka na ng chance pero ganon pa din, same same banana. baka sa susunod nyan hindi lang bugbog gawin niya sayo, wag naman kaya mas mabuti pang umalis ka na jan sa puder niya. wala ka bang kapatid man lang na tutulong sayo? kasi sa ginagawa niyang asawa mo e apektado ang mental health mo tapos buntis ka pa ngayon. alalahanin mo bawal mastress ang buntis. ano naman kung broken family kayo? explain mo na lang sa mga anak mo kapag nasa tamang isip na sila kung bakit nagkaganon ang pamilya nyo kesa naman magtiis ka na binubugbog ka niya. magkakasama nga kayo tapos hindi naman kayo masaya. alam mo bang may epekto din yan sa mga bata lalo na kung makikita o maririnig nila yung bugbugan na nagaganap sa bahay nyo? isipin mo yung trauma na mararanasan ng mga anak mo kung magsasama kayo ng tatay nila.
Magbasa paHi miii .. For me? It's a no. Ilang chance pa? ang ibibigay mo? hanggang kelan mamumulat ang isip mo na kahit kelan, ndi na magbabago ang lip mo. At hindi dapat pinagbubuhatan ng kamay ang babae mi kaaaaaahit gano pa sya kapikon, kagalit sayo hindi ticket yun para manakit pwede syang umalis kapag pikon na sya, manahimik sa sulok para kumalma. Sustento na lang ang hingin mo mii para sa mga bata at sa panganganak mo isipin mo ang sarili mo, nakaka apekto din sa bata ang mga nangyayari sa environment nya. Kung kaya mo namang magtrabaho hanggang makapanganak ka do it at yung anak mo mas better na sa side mo iiwan yung mapagkakatiwalaan mong tumingin sa anak mo or better Dalhin mo sa work kung kaya namang ndi sya masyado maglikot. Hindi sa tatay nila at byenan mo. Magulo na ang mundo ngayon ndi na tayo pwedeng magtiwala agad kasi buhay ng anak mo ang nakasalalay at sayo. PS: Hindi ako galit mi .. Just being honest.
Magbasa pawala ka na connections sa parents mo? mamsh kung pwede makipag ayos ka sa kanila wag ka na bumalik doon sa asawa magsisisi ka lng sure ako doon at lalo na buntis ka na namn baka mamaya mabuntis ka na namn wala na nangyari sa buhay nyo hanggang di ka na makaalis sa mga kamay nya kasi may mga anak kayo tas walang future mga anak nyo kasi stay at home ka na lng. Alam ko nakakaproud yung stay at home pero mage gets mo yun since lahat namn tayo may problema sa pera sooo advise sa magulang mo talaga or sa magulang nya kahit pagkatapos mo lng manganak pero ADVICE KO TALAGA WAG KA NA TALAGA AH OKAY? kung kaya mag isa ikaw na lng pwede sya tumulong pero hanggang dun lng wag ka na bumalik sa kanya no more sex etc.... Dapat sya mismo magkusa tumulong may responsibilidad din sya sayo di lng ikaw mag aako ng mga anak nyo both kayo. Sorry medyo nadala lng kawawa kasi kayo mag ina if ganun pa rin sya mapanakit
Magbasa pahello mamsh, I grew up in the same set up,away-bati parents ko non, very confusing for a child ang ganyang environment. Well now magkakasama pa rin kami, mom stayed all because she wanted us to grow up in a whole family, at di nya kaya mag isa na mag provide, nagbago din naman tatay ko. But in your case, dapat si sir ay sincere sa pakikipagbalikan sayo, willing sya mag bago at ayusin ang family nyo. Dahil hindi lang ikaw ang kawawa, ang pinaka nag su suffer ay ang mga bata, ang mental burden mamsh sa bata iba madadala nila iyan gang pagtanda. Ngayon kung pipiliin mo bumalik sa kanya, make sure na hindi na mauulit pang saktan ka pero the moment na pagbuhatan ka, wag ka ng magdalawang isip na iwan sya. I pray na makayanan mo iyan, also for your babies..God bless you sis.
Magbasa paThank you mamsh
magbabago?? dami niya chance nung una sinayang niya.. hanggang kelan mo siya bibigyan ng chance? hanggang sa mapatay ka na niya kakabugbog sayo? worst Pati mga anak mo saktan niya! Mommy ngayon palang gumising ka sa katotohanan na nakakatakot na bumalik sa ganyan tao! Tama ka sinu ba naman nanay ang ayaw ng buong Pamilya? Pero sinu din ba nanay ang gusto makita ng anak na sinasaktan siya ng ama nila at paano kung pati sila saktan din? alam mo ba pwede yan tumatak sa isipan ng mga bata habang buhay kung ganyan ang mapapala niyo sa ama nila... nakawala ka na bakit ka pa babalik.. Ewan ko sayo Mii pagppray kita na Sana magising ka na Tama ang direksyon ng isip mo... Isa pa BUNTIS ka pa jusme panu kung bugbugin ka niyan Pati sanggol dyan sa tyan mo baka mapahamak yan.. Godbless
Magbasa pano to bash its my own opinion so respect mine and i respect ung mga ssnod na comments...for me mamsh wag na,sinaktan kana nun una tas ngaun ganun ulit. tas mag wrk ka bnts ka ppalaga mo anak mo sa bynan o knksama mo. jusko alam mo ba sa tv? mga ngnyyri ngaun??wag na... wag na po... consern lang aq sainio wag mo na iplit yan magsama kayo kz ganyan ang lip mo ugali nia d maganda. d na uso yan para sakn na kailangan nmin mgsama para sa anak ko. oo maganda tngnan pero ang tanung?worth it ba??? ok na q sa 3 nalang kau at wala na yan tatay nila. pede sustemto dalaw un nalang pero para magsama pa wag na po..kawawa lang kaw at mga anak mo
Magbasa pabkt mamsh?wala kna ba parents? para to help u sa mga anak mo,nways its your dcsion. samin nagbbgay lang kmi ng opinion kaw pdn at kaw ang mssnod pero sana un dsisyun mo ay tama. dahil ika nga nasa huli ang pagsisisi... ganyan dn kz aq pero iba kwento at stwasyun. kaya subok q na yan...
For me wag na. Matakot ka para sa safety mo at ng mga anak mo. If you are watching news,kabilaan yung mga balita tungkol sa mga krimen about physical abuse yung iba namamatay pa. Balewala ang buong pamilya kung yung magulang laging nag-aaway at nagkakasakitan. Bata pa mga anak mo,isipin mo sila.
kung wala ka na talagang choice kung kanino iiwan... sa kanya na lng or sa parents nya please at lagi mo ichecheck kalagayan ng mga anak mo everyday video call kung pwede every hour eh tapos balik an mo na lng anak mo kapag ready ka na pero wag mo na babalik an yung lalaki okay? please lng
kung tang* ka mi bigyan mo pa ng pagkakataon, sorry sa word pero ikaw tingin mo deserve pa ba niya ng pagkakataon? Alam mo sa sarili mo na hindi na indenial kalang kasi mahal mo siya
Kaya nga, ilang beses na siyang binugbog tapos babalikan pa? Hindi na uso ngayon yung hindi hihiwalayan para buo ang pamilya.