Nahulog po baby ko😭😭😭 10 months old. Pasagot po please🙏🏻😭😭😭

Mommies, knnang mga 6am po nahulog bb ko galing sa kama po. Medyo mataas ng konti po kama namin😭 bale po kse knna mga 6am nagsaing po ako pagka kulo, ung pa in in na pumunta ko kwarto sinilip ko sya tulad ng gngawa ko always na mayatmaya silip ako sknya hanggat d pa dumadating si mama kse po sila mama sa tindahan po natutulog. Eh may pasok po ako sa work bawal po kse umabsent pero halfday lang po ako kse andto po ako now sa sss after neto Pasok po. Pagkasilip kopo sknya sarap ng tulog nya. Mahimbing kaso nung nag aayos nako ng mga requirements ko, nakarinig napo ako ng kalabog na medyo malakas tas bglang iyak ng bb ko. Pagtingin kopi nakadapa napo sya tas ung ulo nya nakaangat na halatang tumama po sa lamesa Ung pic po na nay red un po ung pwesto ng baby ko knna nung nakita ko😭 sguro po naalimpungatan sya tas tayo kaagd sabay gapang😭 ang layo pa po ng higaan nya eh sa dulo ng kama😭 bilis po ng pangyayare😭 mga nsa 10 mins lang po ata un saglit lang bglang ganun napo. Sguro po pagkacheck ko sknya nagising sya😭😭 dko alam!😭 Grabe sobrang natatakot po ako. Kinuha ko sya kagad, tas iyak sya na may hikbi tas hinimas himas kopo noo nya lalo na dibdib kse un ung bumagsak po sknya. Pero sobrang saglit lang po iyak nya tumahan kagad sya pagbuhat ko sknya😭 Tas after po nun dumating na si mama kinuha ni mama pinainom namin ng konting water. Tas kumaen po sya ng marie and dumede pa po sya bago ako umalis knnang mga 7am. Naglalaro laro nadn po sya knna tas nagdadaldal kse madaldal po iyon eh kaso un nga lang po meron syang maliit na pasa sa noo nya dahil don sa pagtama nya aa lamesa. Pahelp po mommies ano po dapat gawin?😭 Sila mama napo nagbabantay sa baby ko😭 kinakabahan po ako😭

Nahulog po baby ko😭😭😭 10 months old. Pasagot po please🙏🏻😭😭😭
24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

it happened to my panganay 2x. yung una sa kama sa bahay around 3-4 months na sya. umiyak pero hindi naman nagsuka or naging antukin afterwards. pero after nun sa lapag na kami natutulog lagi. tapos yung isa naman sa hotel around 6months buti carpeted, mas mataas pa yung bed sa hotel jusko nakakaawa pero ayun wala naman pilay or anything. thank God hindi una ang ulo bumagsak. look for the signs kung naging mas antukin, nagsusuka or naduduwal tapos may masakit. if sobrang worried ka go to the pedia agad or emergency room if there are signs

Magbasa pa

momsh prevention una po dapat lagyan nyo ng rubber mat yung sahig nyo. Si baby ko 4 months nahulog din grabe din kaba ko pero wala naman tama kasi rubber mat binagsakan nya. Obserbahan nyo si baby kung susuka o kaya pag hinawakan nyo may masakit baka napilay, mas okay din kung napacheck up agad.

pag po ang baby gumagapang na mas better sa baba na po kayo mahiga para iwas hulog lalo na po papalaki na si baby mas lilikot.. para po safe siya.. observe nyo po kung lalagnatin. pag nilagnat dalin nyo po sa pedia niya o kaya po kahit sa center. Sana po okay lang si baby🙏

Mommy, don't get offended, pero i think you should've had your baby checked by a doctor instead of posting about it on the internet. Especially the baby is under 1 year old.

VIP Member

Ilagay mopo sa kuna.. kami din nkapapag noon pero dahil di safe lalo pag nag gagapang na.. mas pinili nmain tanggalin yng papag at sa sahig kami naka kama nlng para safe

next time mommy mag lalagay ka dn ng unan sa baba ng kama iNcase mahulog xa hndi masyado masasaktan kc malambot.. lalo na kpag hndi mo nababantayan kc may ginagwa ka...

Nang yari din sa baby ko sis , tinangal nalang namin yung bed frame para safe kung walang budget pang bili ng crib . Nilagyan din namin ng foam yung lapag .

pacheck nyo na poh agad ung ulo. kasi ganyan dn poh ung baby ko taas dn poh ng bngskn nya. much better pa x-ray ung ulo po baka may namuong dugo poh.

yes mommy dapat matic ng nsa isip mo ipacheck up.c baby sa doctor since under 1 yr old pa c baby..nd biro yung malaglag si baby sa sahig...

nanyari din sa baby ko.. pinantanggal ko nlang yung kama iwas hulog na din.. nag lagay din ako foam bricks pag nauntog hindi nasasaktan

Related Articles