Vaginal tear
Hi mommies kakapanganak ko lang po October 16 2021 4:08 am via normal delivery sa lying in. 3.3kg si baby nagulat ako lakiπ ayun nga po medyo hirap ako sa pag push dahil 1st time kaya medyo natagalan si baby lumabas at ayun nga po nalaman ko na nagkaron ako ng vaginal tear. Di sya episiotomy na sa gitna ng vagina at anus ang hiwa kundi warak warak sya di po kasi hiniwa tapos ang laki ni baby. Any mommies na nakaranas nito? Sobrang hirap madugo at mas matagal ata ang healing nakakatakot. Ano po pwede gawin para gumaling agad? #1sttimemom