Meron bang CAS ultrasound na less than 30mins pineperform?

Hi mommies! I’ve been searching dito sa page and almost all says it should be 30mins-1hr. What if yung OB na gagawa is lesser than 30mins lang yung pagcheck, will that mean na hndi sya too detailed magcheck?

17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

nun nagpa CAS ako du ko na namalayan kung gaano ako katagal nakahiga hehehe sobrang inaantok kc ako hinayaan ko langnkc un ob sono sa ginagawa nya minsan nagsasalita sya pero hindi ako nagtanong kc alam ko nmn na yun ob ko na mismo ang magpapaliwanag pero sinabi naman nya all are normal at hindi rin 100%sure na walang problema kay baby dahil yun lang naman daw ang nakikita sa CAS hindi lahat ng problema makikita sa CAS

Magbasa pa

mabilis lang kung maganda pwesto ni baby. and usually after magCAS ang paliwanagan para mabilis talaga. kasi kung habang nag CAS ipapaliwanag na niya sayo aabot ko 1 hr and 30 mins. and minsan pinababalik , tulad ko nakasubsob si baby nung CAS ko so naiwan yung face area and front ng brain. kaya pinabalik ako kinabukasan kasi madaming patient na magiintay. tapos first patient nya ko kinabukasan

Magbasa pa
12mo ago

hindi na po miiieee. continuation lang po yun. kasama na po yun sa binayaran niyo

We have this sono sa clinic ko at ang bilis niya madalas mag-utz. naexperience ko sa kanya once pero tvs lang yun. then I found out na head pala siya nang ob-sono sa isang malaking hospital. kaya sa tingin ko, kaya siya mabilis, kasi alam na alam na niya agad kung ano mga titignan.

1y ago

same sakin mi. nung una nagdoubt din ako bat ang bilis. pero OB-sono din. and training officer pa sya sa malaking hospital. kaya i think factor din yung expertise. sakto din okay pwesto ni baby during CAS kaya kita naman agad.

hindi naman walang 30 mins ung akin pero checked nmn lahat. better let the ob take pictures first sa nasa,loob then after that ipapaliwanag na nya sayo ung mga what and where ni baby. sabayan mo ng tanong para tumagal 😊

VIP Member

Depende kasi mommy kung yung OB na nagpeperform ng CAS is talagang madalas tong ganagawa kung baga sanay na at kung makikisama si baby sa loob. Tumatagal lang kapag malikot si baby or dahil sa posisyon nya .

Ako din naman po walan pang 30mins maganda naman ang pweto ng baby ko halos 8mins nga lang all in all naman kita ko lahat at naipaliwanag nya ng maayos po at gusto ko marinig about may baby in my tummy.

Makikita mo nman sa kilos ng OB at sa detailed ng report. If OB is not explaining well baka nagmamadali siya kaya less than 30min. Or pwedi rin dahil sa expertise niya mabilis na siya. Ilang minutes ba sayo?

1y ago

Wala pa naman. After 3 weeks pa po ako mag CAS. I asked the secretary kasi if how long, sabi nya mabilis lang daw basta nagpapakita si baby.

in my case mabilis lang din less than 30 mins.. di sya nagpaliwanag ng kahit ano sa akin gender lang hehe hindi kasi sya ang ob ko.. sbi nya ob ko na lang daw mag e-explain ng mga remarks..

12mo ago

Mabilis nya ba nkita lahat mhie? Obsono kasi yung ob ko, nag explain naman sya ng kaunti pero kinacongratulate nya naako kasi normal naman lahat. 5 mins lng yung CAS, 10 mins explain/chika. Haha

CAS depende kasi sa baby...Mas okay yung malikot si baby para mabilis makuha ang mga parts ni baby .. so nagdedepende padin tlaga sa baby kung makikisama yung tagal ng utz ng CAS

Update mga mhie: Done nako sa CAS and true enough mga around 5 mins lang tapos na. Though chineck naman ni doc lahat and normal naman. And after explain na mga around 10mins.