Biglang humina dumede si baby

Hi mommies. Im super worried humina kasi dumede ang 3 months old baby girl ko. Dati naman nakakaubos siya ng 3-4oz ngayon 1-2oz nalang tapos humaba din yung interval ng paghingi niya ng milk. Mas gusto niyang mag thumbsuck tapos panay tulo laway din siya. Hindi naman siya matamlay at umiiyak. Sino naka experience na ng ganito sa lo nila? Please help. Thank you!#1stimemom #pleasehelp

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din po ung baby ko mag-4mos na po sya sa Dec.7, nagtathumbsuck din po. Sa hatinggabi nga imbis na umiyak sya dahil nagugutom ang maririnig ko na lang ung tunog ng pagthumbsuck nya. Tapos po sa umaga naman pinipilit ko pa syang dumede sakin alam kong gutom na sya pero pinipili nya parin ung thumb nya.

Magbasa pa
VIP Member

same with my baby last 3months old nya humina sya dumede ewan may bakuna sya na parang nanghina sya dumede but ngayon 4months bumalik naman mommy I don't know kung dahil sa pagbakuna nya or baka Di na bet ni baby Ang milk nya better to consult pa din Kay pedia

ganyan rin si baby ko, sguro wala pang 5mins kapag dumedede sya ayaw nya na. Tas lagi rin nag thumbsuck, minsan nga khit dumedede na skin gusto pa ipasok yung kamay nya sa bibig nya kya gnagawa ko hnahawakan ang kamay jya habang nadede. Palatulog rin sya ngayon.

10mo ago

hi sis... ask ko lang anu ginawa mo panayb tulog baby ko.at humina din dede

genyan yan din po Ang baby ko 4months na sya..Minsan pinapadede ko sya tz sabay Nia pa ung daliri Nia sa pagsupsup naglalaway din sya..Lage nadidistract sa paligin Nia!!wag knaah worry mommy same lng po Tayo Ng nararanasan!🥰🥰

hello mommies as per our pedia Kasi ganyan- din po baby ko dati every 2 hours sya magdede pero naging 4-5 hours minsan Lalo sa Gabi sa months daw nila paiba iba din Yung interval ng pagdede pwedeng every 2,3,4,5 hours Kasi

same case po hehe, mga ilang araw din po sya humina dumede, tpos nabalik din naman po un pglakas ng pagdede nia, panay thumb suck po at busy sa pag tingin tingin sa kapaligiran nia. going 4months na si baby dis dec 9. 🙂

TapFluencer

Hi mommy! Ganyan din baby ko pero bumalik sa dati 3-4 oz. Naglalaway na din siya and nagthu-thumbsuck. Ang ginawa ko pag di niya naubos ung 3oz niya pinapaubos ko after an hour. Hanggang sa lumakas na ulit siya dumede.

1y ago

Mga 2 weeks momsh bago bumalik. Mag 4mos na siya sa dec 9 ☺️ Bigyan mo siya ng soft toy momsh while feeding.

hi momsh, ganyan din po baby ko. Try nyo po paltan yung formula milk niya po kase ung baby ko pinaltan ko lang po ung milk niya bumalik po ung pagiging masiba nya same situation tulad sainyo po

baby ko din kaka 4 months nya palang ngayon,siguro normal yan sis baby ko din kasi ganyan ngayon eh,gusto lang mag sipsip ng daliri pero pag gutom naman dumede din sya,naglalaway din po sya.

VIP Member

ganyan din po ang baby ko ngayon. Nadidistract sya sa kapaligiran nya mas gusto nya maglaro ng kamay and mag thumbsuck. no worries mommy may ganyang attitude din ang ibng baby. hihihi