CS or Normal Delivery?
Hi mommies. Im FTM. regardless of position ni baby pati financial. Kung makakapili kayo sa CS or Normal Delivery, anong prefer nyo? May friend kasi ako na nagkwento, pwede raw sya mag normal pero pinili nya mag cs para sure safe si baby.

Have tried both normal and CS delivery. Pag manganganak ka po 50-50 po yan kahit anong type ng delivery wala pong sure na safe kaya pray po talaga mi and have a healthy lifestyle po especially ngayon na buntis ka. 1. Preferred ko po normal nag heal lang agad 2 weeks totally healed na pero CS at least hanggang 4 months umiwas ka sa mga mabibigat ba bagay at gawain. 2. For normal less than a day pwede kanang lumabas, but CS need to stay at least three days 3. Kung normal pwede kapa NBB at walang mabayaran sa public, but sa CS mag handa po kayo ng malaking amount. Sa private nasa 150-200k ang CS po. Mas marami pa akong pros ng normal kaysa CS to mention dito. Basta mi pag kaya mo talaga at ni baby try ma normal mo po. Operation po ang CS na mag stitch at hiwa ng 7/8 layers ng balat natin.
Magbasa pa

