Maglalabas lang ng sama ng loob

Hi mommies. Im a first time mom. 26 yrs old and ang partner ko ay 23yrs old lang. Sa ngayon nagkakalabuan kami ng partner ko. Simula nung pinagbubuntis ko yung anak namin di ko maramdaman yung care niya para saakin. Oo minsan inaasikaso niya ako pero madalas tutok siya sa cellphone niya. LDR kami ATM kase pinauwi ako ng mga magulang ko dito sa probinsya nung nalaman na buntis ako at yung partner ko naiwan sa Manila at pauwi uwi lang dito sa akin. Pagmagkasama kami dito saamin puro ML inaatupag ng partner ko. Anong oras na siya natutulog at tumatabi sakin. Nung umuwi siya sa kanila para magtrabaho ulit nalaman ko sa kapatid niya na naalis siya ng gabi at maguumaga na kung umuwi. Nung kinonfront ko siya sasabihin niya tumambay lang daw siya kase matagal niya ng di ginagawa yun. Nagalit pa din ako kase hindi siya nagpapaalam sakin. Sabi niya kapag nagpaalam daw kase siya di ko naman siya papayagan pero po kase kaya naghigpit ako sa kaniya kase ilang beses ko na po siya nahuli nambabae. So nung nagaway po kami nun sobrang stress ko to the point na dinugo ako kaya napaanak ako ng 3 weeks earlier than my due date. Nangako siya na di niya na ulit gagawin pero neto lang po ginawa na naman niya. Ganon pa din. Umaalis siya ng di ko alam at umaga na umuuwi. Hindi ko na po alam gagawin ko. Lagi po ako naiyak. Minsan naiisip ko pa na maglaslas na lang or magbigti na lang para matapos na yung paghihirap ko. Ano po ba dapat kong gawin? Bigyan niyo po ako ng words of encouragement para matatagan ko ang loob ko para wag ng balikan ang partner ko. Salamat po.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

palipasin mo muna un galit mo. pag kalmado ka na, tska mo ulit kausapin ng masinsinan un partner mo. But wag unahin ang init ng ulo. Itanong mo ano plano niya sa inyo mag-ina. Mararamdaman mo naman if totoo sagot niya, if hindi niya kaya talikuran ang buhay binata at gusto niya ituloy un pagtakas takas, then let go. Kasi meaning nun, hindi kayo priority niya and gusto niya pa mag enjoy. Pag ngyari yun, then you have to be strong for you and your baby. dasal lang. :) hope this helps! Good luck!

Magbasa pa

focus sa baby sis. and have a career mag work k Po para mawala isip mo sa tatay Ng anak mo and para my sense of accomplishment ka rin sa sarilj mo🙂 it will help to boost your confidence and by that d kna mag hahabol sa taong d mo deserve.