Hi, mommies! I'm currently 16 weeks pregnant. My OB said na possible na makaramdam na ng pitik pitik by 16 weeks. Hindi ko naman sure if meron na ba ako nafifeel talaga kasi minsan feeling ko may something sa puson (like gas), pero there are days na wala akong nararamdamang kahit ano. Wala pa akong updated ultrasound (by next ff up pa) so I don't know if anterior or posterior placenta ako. Last check up naman, normal ang heartbeat ni baby and wala naman akong nararamdamang pain.
Actually this is my 3rd pregnancy, but my first was 12 years ago and I lost naman my 2nd, so parang "nanganganay" at naninibago talaga ako. I read naman na between 16 and 22 weeks ang movement, pero syempre pagpasok ng second tri, excited ako to feel those flutters so hinihintay ko talaga 😅
Care to share your experiences? Thank you :)