PCOS + Pregnancy Journey

Hello mommies! I just want to share my experience. Nov 2015, nag start akong mag spotting almost everyday. Iba sya kasi ang baho. Mabaho talaga. Tig oonti lang na blood but everyday talaga sya. Feb 2016, I found out na meron akong PCOS. Niresetahan ako ng pills ng OB ko, andaming bawal sa foods and sinunod ko naman. But feeling ko walang nagbago. Aug 2016, nagpacheck ako sa ibang OB, binigyan ako ng ibang pills. Yun parang mas okay kasi nag regular yung mens ko plus points pa is nakakaganda, nakaka blooming hahahahaha March 2017, still taking the same pills but biglang may discharge sa breast ko -- parang MILK!! Edi na werla na naman ako bakit may discharge ako sa breast eh di naman ako buntis, wala naman akong baby na pinapasuso. So nagpa ultrasound ako sa breast ko. Buti nlng normal lang lahat. Ang sabi baka daw sa pills na tinatake ko. So yun, tinigil ko yung pills. Niresetahan na naman ako ng gamot, hindi na pills. Yung nlng iniinom ko. FF Apr 2018, I found out na buntis ako. Di ko talaga akalain na pwde pa akong mabuntis dahil sa PCOS ko. Sobrang nakakahappy. But yung pregnancy journey ko is hindi naging madali. Sobrang selan ng pag buntis ko. Halos buong pag bubuntis ko is suka lang ako ng suka. Walang gana kumain. At ang masaklap pa, lagi akong may spotting. Ang sabi ng OB ko normal naman daw lahat at di niya na rin ma gets bakit lagi akong may blood na discharge. Advice nya lang is mag bed rest kasi mahina daw kapit ni baby. Bed rest lang ako buong pag buntis dahil takot akong makunan at baka di na ako mabuntis pa ulit. Babangon lang kapag pupunta ng CR at kakain. Papalapit na ang EDD ko at nag woworry na ako at baka di ko kayanin kasi wala akong exercise kasi nakahilata lang ako buong pag bubuntis pero sabi naman ni OB na di naman required mag exercise, oo nakakatulong but nasa sayo parin yan if kaya ng katawan mo. Dec 10 6AM nag start nakong may ma feel na may konting pain. After dinner, mga 9PM dun na lumala yung pain (nag lalabor na ako). Dec 11 12MN nagpadala na ako sa hosp kasi sunod2 na yung pag labor ko, sobrang sakit na. Nagpapause lang sandali tas babalik na naman. Pag dating ko ng hosp nanginginig na buong katawan ko, di ko makontrol. Dec 11 1:35AM lumabas na ang baby ko. Praise the Lord at normal ang lahat pati narin si baby. Di ako nahirapan pag labas nya. Now she's turning two in a few weeks. Sobrang healthy at bibo na bata at breastfeed ko pa sya until now. ☺️ Regarding my PCOS, sabi ng doctor nung buntis pa ko nawawala daw pag buntis pero bumabalik daw after pero sa ngayon normal naman mens ko at di narin ako nag sspotting. Hopefully di na ako balikan nun. I hope na may matulungan/mainspire ako sa pag share ko ng story ko. Madami ngayon na merong PCOS at pati narin sa mga maselan ang pag buntis. Kaya nyo rin yan! Tiwala lang sa sarili at kay Lord. God bless us all. ☺️ #pregnancy #pcos #1stimemom #firstbaby #breasfeedingmom

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

PCOS here pero di maselan