Mental pressure

Hi mommies, I know itong group nato is infos and inputs about breastfeeding and about babies and mommies journey but wala kasi ako mapaglabasan ng thoughts ko and i know na lahat tayo dito nanays na and may mga pinagdadaanan at feeling ko di ako nagiisa sa page na ito. I just want to share and express my feeling. 9 months postpartum na ako but na feel ko yung depression and yung feeling na lonely, actually iba iba yung nafefeel ko di ko masyado maspecify kasi di ko maintidihan minsan. 4 months pa lang si baby lumipad na kami pa ibang bansa kasi yung husband ko working abroad. Kinuha niya kami ni baby para magkakasama na kami, at first feeling excited at looking forward sa future namin magfamily and ito na din stepping stone para makapagsimula ng career. Nasa medical field kami mag asawa, nagresign nako start pa lang mg pagbubuntis ko and until now wala pa akong work. Magkasama pala kami mg mother in law ko sa house. Kasi siya talaga ang matagal at veteran na dito sa ibang bansa. To make the story short siya ang tumulong sa amin mag asawa para makasimula dito sa abroad. Hanggang sa ngayon na 6 months na kami ni baby dito sa abroad, nagtake ako exam para license to work here but nag fail ako sa kadahilanan out of focus ako sa pagrereview kasi nga bantay ko si baby. tapos nawalan ako ng gana to review at mag exam ulit kasi wala na sa diwa ko ang pagstudy at pag prioritize sa exam. Nasa isip ko kasi sino magbabantay sa anak ko pag nagwork ako dito, or gusto ko muna maging nanay hanggang sa makarecover ako ulit sa self ko. Nawala kasi yung urge ko to work at yung dating ako isip ko lang mag focus muna ako sa anak ko. And na prepressure ako now kasi sinasabihan ako na magexam na at magwork kasi tumatanda na kami sayang daw panahon sabi ni mother in law. Yung iba kaya naman daw pagsabayin ang pgiging nanay at yung career, kasi dati nga nagbuntis siya nagwork rin daw siya ganito ganyan.Iniisip ko sayang ba ang panahon na magfocus muna ako sa anak ko? Magwork nan yung asawa ko eh. Parang ngayon, naguguilty ako sa sarili ko at nalilito kung ano talaga ang priority ko, hanggang sa araw araw na lang ako malungkot at walang gana kasi feeling ko di worth it ang ginagawa ko araw araw kasi nagbabantay lang ako ng anak ko. ๐Ÿ˜ญ but now nagtatry nako magstudy ulit habang nagbabantay ng bata tinatry ko baka naman makapasa na at mabawasan ang pressure ko. Baka yung yung sagot, ang mag work ako pra maless yung mga sinasabi nila sa akin. Salamat sa pag allow ng post ko dito. Godbless mommies ๐Ÿ’ช๐Ÿ™โค๏ธ#love #postpartum #postpartumanxiety

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

for me, it is best to discuss it with your husband. maaaring siya ang makakapag assure sau on better decision based sa nararamdaman mo and mental health. importante ang support system. it is difficult to review and to take care of a baby at the same time. always pray for guidance in making the decision for you and your family.

Magbasa pa