DayCare

Hello, mommies. Hihingin ko lang po opinyon nyo. My toddler po is turning 4 yrs old sa Aug.23. Pinapapasok ko po sya sa Day Care Center sa barangay. Nakapasok na din po sya laat year, 3 yrs old pa sya dun sa DCC sa province namin kaso na stop nung nanganak ako. Ngayon po, pansin namin mga parents and in my own observation, c Teacher po mainit ulo sa mga bata. Araw2x sya galit sa mga bata na parang mga ka age nya kaharap nya kung pagalitan nya. Sa pagtuturo din po, di lang po ako nakapansin pati ibang parents na din na pangit ang paraan nya. Di rin po nag eenjoy mga bata kasi konting ingay lang, galit na sya agad. Etong toddler ko po, marunong na naman sa letters, numbers, even sa planets and madali naman po turuan. Plan ko po ngayon, e stop na lang sya para din di mahirap sa min kasi may 7 months baby po ako dinadala ko din sa school. Pag magkasakit si baby, di nakakapasok toodler ko. Sa kin po kasi, okay ako mag sacrifice ng time kung worth it. E kaso po, parang off ako sa teacher nya. Sa tingin nyo po, okay lang ba na e stop ko na lang sya?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

5 years old palang naman po ang K2. Pwede niyo naman po muna siyang home school since na expose na din naman siya sa classroom set up. Last June ipapasok ko sana sa Day Care yung anak ko. Kaso hindi na siya umabot since 100 students na daw sila gagawing 3 batches na daw 1 lang ang teacher. Parang hindi ko din maimagine panu yun ihhandle. Pinasok ko siya sa private learning center. 7 lang sila sa batch nila then 2 teachers. Sobrang nageenjoy naman anak ko kahit bagyo gustong pumasok. Hatid lang siya ng daddy niya kasama si baby bro then babalikan nalang kapag uwian na. Kaka 4 naman niya nung April. Dapat last year ko pa siya papagschool kaso manganganak ako kaya i decided wag na muna baka masira momentum niya.

Magbasa pa

I think jina-justify mo lang yung balak mong papagstop ang toddler mo. It is up to you naman po. Pwede naman diretso na ng kinder next year basta don't stop teaching nalang your toddler para naman next year na mag aral sya madami n na din syang alam.

Being a day care teacher. Triple dapat patience unlike sa grade year level na. Need malaman ng school principal yan. Baka magka trauma pa mga bata sa bunganga niya. I'm a Teacher and being a Teacher dapat alam niya yun.

VIP Member

Hello mommy. Naintindihan ko po yung sitwasyon niyo. Parang ang hirap nga pakisamahan yung guro. Pero baka mas mainam na kausapin si teacher ng maayos? Sabihin sa kanya yung issues?

VIP Member

Still young pa naman anak mo sis pede pa po tutor mo nalang sya sa house para nkaready din sya for next school year..

ireklamo nyo ung teacher

Lipat na lang kayo ng school. Hindi tama si teacher