Pregnancy Blues 😥

Hello mommies! Gusto ko lang sana magshare ng mga anxieties ko as a first time mom. Alam kong lahat tayo may pinagdadaanan pero bigay nyo na sakin to hahahaha I've been feeling sad, pressured and anxious. Ang hirap pala pag lumaki kang strong independent woman, ngayon kasing buntis na ako nahihiya at di ako mapalagay kapag nakahiga lang ako sa maghapon. Feeling ko napaka unproductive ko at walang silbi 🥲 Minsan kailangan ko gumawa ng house chores para naman mafeel kong dasurv ko yung pagpapahinga ko. Nahihiya din ako manghingi ng help sa asawa ko, kasi iniisip ko agad na dati kayang kaya ko naman gawin 'to, bakit ngayon ihihingi ko pa ng tulong. Very supportive at andyan lagi ang asawa ko, kaya alam kong nasa akin lang talaga yung problem 😥 May mga gantong feels din ba kayo, mommies? Or ako lang 'tong si OA? Of course, no bashing! Love love love ❤️ #firsttimemom #sharing #pregnancyblues

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Normal lang po yan mi. Ang tagal ko pong ganyan halos isang buwan wala ako gana mag alaga ng baby ko 🥺 Gusto ko nakahiga at natutulog. Pero sabe ko lalabanan ko yon ppd at baby blues nagpray ako palage na sana mging ok na ko at gusto ko alagaan baby ko ng maayos. Feeling ko napaka walang kwenta kong nanay. Pero nagpakabusy ako diko iniinti ppd non gang sa naging ok na ko at thanks god naalagaan kona si baby full time. Laban lang mi cs pa ko kaya sguro din feeling ko pagod na pagod ako at parang wala sa sarili.

Magbasa pa