Pregnancy Blues 😥

Hello mommies! Gusto ko lang sana magshare ng mga anxieties ko as a first time mom. Alam kong lahat tayo may pinagdadaanan pero bigay nyo na sakin to hahahaha I've been feeling sad, pressured and anxious. Ang hirap pala pag lumaki kang strong independent woman, ngayon kasing buntis na ako nahihiya at di ako mapalagay kapag nakahiga lang ako sa maghapon. Feeling ko napaka unproductive ko at walang silbi 🥲 Minsan kailangan ko gumawa ng house chores para naman mafeel kong dasurv ko yung pagpapahinga ko. Nahihiya din ako manghingi ng help sa asawa ko, kasi iniisip ko agad na dati kayang kaya ko naman gawin 'to, bakit ngayon ihihingi ko pa ng tulong. Very supportive at andyan lagi ang asawa ko, kaya alam kong nasa akin lang talaga yung problem 😥 May mga gantong feels din ba kayo, mommies? Or ako lang 'tong si OA? Of course, no bashing! Love love love ❤️ #firsttimemom #sharing #pregnancyblues

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan den ako mommy and its okay. super nanibago kasi nagresign pa ko to give way sa pregnancy kasi ftm mapapa overthink ka kapag wala ka ginagawa pero miii nag bi-build tayo ng bones, brains and organs ni baby wag ka maguilty ngayon need mo magpahinga at irelax ang mind and body para healthy ka at si baby for sure yan den wish ng family mo. Kapag nalulungkot ka malungkot den si baby, any emotion shared kay baby yan kaya iwasan mo kung maari. Try mo mii gumawa ng light house chores para excercise sayo at iwas ovethink, try mo den mag plan ng mga pregnancy journey para may pagkalibangan ka mawala anxiety mo

Magbasa pa