Out of topic

Hi mommies, gusto ko lang sana hingin payo nyo. Kung kayo ba, ilalayo nyo na anak nyo sa tatay kung hindi na nakakabuti sa mental health nyo? Grabe, gustong gusto ko na syang burahin sa buhay namen nang anak ko, kaya lang natatakot ako, baka mali ang maging desisyon ko. Pero sa tuwing nagkakausap kame kahit sa text lang, walang naidudulot na maganda saken, naddrain lang ako at napapamura at nakakapagsalita nang hindi maganda sakanya. Sobrang gusto ko nang kumawala sa anino nya. Ung mga sinasabi nya sa aken, ma hindi rin maganda, parang pumapasok at inabsorb lahat nang katawan ko, parang papunta na yata ako sa pagkasira nang isip. Pasensya na po sa out of topic na ito. P.S hindi rin pala nya pinupuntahan anak namen, 6 mos na, walang effort. Dahilan nya is nahihiya daw sa parents ko.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo ng situation 2 months ago. Ultimo ung text na kamusta e kinaka stress ko noon. That’s why i decided not to talk to him and call it quits. Sabi ko naman kaya ko buhayin ang bata. We never talk na, at sobrang okay ako. Mas naalagaan kong mabuti ung anak ko. Nagpapadala sya sa Gcash ko ng money, na never kong hiningi nor nirequire. Padala lang sya ganon but wala pa ding usap na nagaganap. Nga pala. Nung sinabi kong quits na kame, kasama don ang di nya pagpunta para dalawin ang bata. Ni picture ng anak or video ng anak ko di nya nakikita.

Magbasa pa

if hes not giving good vibes, i think its better na no communication with him. id rather be single as long as napapaligiran ako ng positive minded people. kung makakacontribute lang sia sa stress and will affect mental health, umiwas na lang sa kania. its ok na mag coparent. however, para saan pa ang communication nio kung wala siang nasasabing maganda nor wala siang effort for your baby.

Magbasa pa