Single parent

Hello mommies! Gusto ko lang po mag rant about life. I am 8weeks pregnant and magiging single mom. Yung partner ko mas pinili niya yung karelasyon nya ngayon kesa sakin. Susustentuhan daw niya yung magiging baby namin. Nahihirapan ako icontrol emotion ko and stress kasi may 1st baby kami kaso namatay after giving birth to her 5yrs ago and now nalaman namin dalawa last week ng April na buntis ulit ako, disappointed sa mukha niya na buntis ako. Yun na pala sign na may tinatago sya sakin, may matagal na pala siyang karelasyon habang magkasama kami. Last May 9 naconfine din ako kasi sabi ni Doc threatened abortion daw, based sa ultrasound nagkaroon ako ng dugo sa loob and may contraction daw. Ngayon nasa bahay lng muna ako for bed rest. Gusto ko na magwork para makapag ipon ulit kaso sabi ng Doctor need ko pa ulit ng 14days for bed rest. I also have Mom na may sakit na kailangan kong sustentuhan for her meds needs lalo nagdadialysis siya 2x a week. Yung tipong gusto ko na lng umuwi sa province kaso pano naman pangangailangan ng parents ko and ng baby ko, feeling ko mag-isa na lang ako ngayon dahil sa nangyari samin ng partner ko. Mag-isa na lng ako magpapalaki sa anak ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ito. Salamat po sa pagbabasa. P.S. sorry po if magulo kwento ko. Gusto ko lng talaga mag rant. Thank you!#adviceappreciated #pregnancy #respect

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

laban lang mi hindi mo deserve yung ganyang tao . mas better na lang maging single ka mahirap pero kayanin mo kumuha ka ng lakas sa baby mo at sa mga taong nakapaligid sayo , mga kaibigan at pamilya pray ka din na malagpasan mo lahat lahat.

prayers for you. always pray. naway malagpasan mo ang mga pagsubok sa buhay. it is better to be single kesa kasama pa sia sa stress. sarili lang nia ang iniisip nia. hoping magkaroon ka ng support system.

Magbasa pa