bed rest
I'm 34 weeks preggy. Nagbleed po ako last week, Thursday, and then naconfine. Muntikan pa maCS kasi bumaba yung heart rate ni baby during my stay sa hospital. And ayun pinrepare na lahat for emergency CS kasi nga daw need na mailabas ni baby. Pero thank God! Sobrang miracle nangyare dahil after hours of waiting for the doctor nakatulog ako. Pagkagising ko nasa tabi ko na ob ko. Then sabi nya di na daw muna itutuloy CS kasi nakarecover si baby. Tumaas na ulit heart rate nya. And then ayun daming nangyare complications sa hospital staffs and all. My fam decided na ilipat ako ng hospital dahil sobrang gulo ng doctors and staff sa hospital na yon. Pagdating namin sa hospital sa Batangas na lilipatan namin sana, di na naman maganda yung nangyare. Sobrang walang modo at di marunong mag accomodate yung doctors kaya another conflict na naman. Then we decided to just go home at kinabukasan nagpacheckup agad ako ulit sa hospital na malapit samin. Thankful ako kasi normal na heart rate ni baby and ang kailangan na lang daw ay bed rest para masure na mafullterm si baby at di na mangyare ulit yung pagbbleed. So mommies, ask ko lang po kung ano po ba dapat iexpect during bed rest sa bahay? And does that mean na kailangan totally nasa higaan lang ako? Thanks in advance