Contraction Timer/Tracker

Hello mommies! Gusto ko lang ishare itong mga app na 'to. I downloaded the first one during my first pregnancy kasi nung third trimester na, takot akong hindi umabot sa hospital. How does it work? Pag labor contractions po, magsisimula sila na medyo mahina lang, medyo matagal ang interval bago dumating yung kasunod. Habang patagal nang patagal, maslumalakas ang contractions, masmaikli ang interval. Sa mga ganitong app, isang tap lang, magsstart/stop yung timer para malaman mo gano katagal ang contraction and interval. Kung napapansin nyo na medyo regular sya (example every 15 mins), it could be a sign na your body is getting ready na. Depende po sa panganganakan nyo kung ano ang rule nila, pero sa akin noon, bumyahe na kami nung 5mins apart na lang. 3 hours and 20 mins later, nakalabas na si baby. Best to ask your ob pa rin syempre kung kelan ka dapat pumunta. So ayun mommies, kung 3rd trimester ka na and feeling mo malapit ka na sa due date, you might wanna try using one of these. Helpful sya para malaman kung Braxton Hicks ba o labor contractions yung nararamdaman nyo.

Contraction Timer/Tracker
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

I tried using those app mommy.. But unfortunately it didn't help me at all.. Kasi pumutok na yung bag of water ko bago ko nafeel yung contractions😊