Please advice mommies

Mommies gusto ko lang i-share sa inyo, sobrang unhealthy na kase talaga ng mental health ko. Mayroon akong first job na super minahal ko and dumating sa point na kailangan kong umalis don. I tried looking for another job then I resigned again kase hindi kinaya ng katawan ko, naging lowblood ako super yung hilo ko. Then, ngayon may work na rin ako, waiting na lang sa schedule kung kelan mag istart. And ayon na nga mommies, sobrang nagwoworry ako kase baka magfail ako sa work na yon as production staff, na baka di ko kayanin kase hindi ko sya forte, first time ko sasabak sa work na hindi office-based. Ginrab ko yung work na production staff kase I have no choice, I have a son and I'm a single mom, ako lang aasahan ng baby ko. Please help, gusto kong maging kalmado isipan ko. 😭

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan talaga kapag nagresign sa job na gusto mo, parang nahihirapan mag adjust yung system mo sa new environment at new job. However, take it as a challenge po, bilib din po ako sa determination niyo to work lalo na single mom, meaning iniisip niyo po kapakanan ng baby niyo. Kaya push mo yan mommy, sa una lang maninibago ka kasi hindinko forte but later on po you will eventually thrive dahil may magandang dahilan kaya niyo ginawa yan. Maganda din po aralin ang hindi forte na work, dag2 sa skills at experience mo po.

Magbasa pa
3y ago

Maraming salamat po, kahit papano nakatulong sa pagpapagaan ng loob ko po. Sobrang di ko po kase talaga maiwasan na magworry. And sobrang takot lang po ako magfail, I'm 21 years old po undergrad ng college and nagstop po ako dahil nagkababy po ako. Di ko po alam if lahat ba mapoprovide ko sa baby ko kaya po panay worry ko.