Lying in or ospital

Hi mommies! Ftm here po. Meron po ba dito na nagpapacheck up sa private OB pero plano po maglying in sa panganganak? Ano po kaya mga kailangan para makapaglying in? Salamat po ng marami sa makakasagot. God bless po. 😇 #FTM #advicepls

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako mamsh nagpacheck up sa private tsaka public hospital pero nanganak sa lying in. magpapacheck up lang sana ako sa lying in na yon pero di na ko pinauwi kasi 4 cm na. pwede naman daw po manganak kapag first baby sa lying in kung meron silang ob. nung pumutok na kasi panubigan ko, tinawagan na yung ob na magpapa-anak sakin which is dun din pala sa private hospital na pinagcheck upan ko naka-duty. affiliated pala sya dun sa lying in. ask mo po sa lying in sa inyo kung ganun din sa kanila.

Magbasa pa

Hospital na lang lalo na FTM ka. Ako nun sa lying in lang nag papa checkup.. Tas pumutok panibugan ko 1cm pa lang ako nun juskoww ayun nirefer sa public hospital hindi na kami naghintay kasi pinag waiver kami dahil madami daw nanganganak, hirap kami mapriority since wala nman din akong record sa hospital na un... Ang ending private hospital ako nanganak. Buti may napakiusapan kami na OBgyne nirefer ako ng kakilala ko at buti tinaggap kami ng OBgyne.

Magbasa pa

same ftm. nung first few months ng pregnancy ko lying in talaga dapat ako pero lumipat na kami ng hospital now wala kasing ob sa lying in. usually kasi pag lying in normal delivery lang talaga, pag nagkaproblema or need mo ma cs matik irerefer ka din sa hospital. gusto din sana namin magtipid talaga ni hubby, kaso since first baby di ko pa alam kung kaya ko ba i normal or what better safe than sorry kaya nagdecide na talaga kami sa hospital na lang

Magbasa pa

Ftm din ako at nag pacheck up sa lying in, private ob and last is public hospital.. And mas okay talaga na sa hospital ka dahil ftm ka like me na naconfine pa baka kung tumuloy ako sa lying in grabe pa naging gastos namin.. And lastly ay hindi na ata kinocover ni philhealth ang mga ftm na sa lying in nanganganak isa din sa reason yon kaya nag public hospital ako sayang yung binayaran ko sa phikhealth 4k+

Magbasa pa

nkaprivate OB po ako pero the good thing is affiliated siya sa Lying in kaya siya pa din ang magpapaanak sa akin...very considerate din siya at She allows me to choose kung san ko gusto as she knows na lahat mahal na ata lam niya na everybody wants makatipid...ok lang po yan..wala namang rules na kung private OB ka dapat sa private hospital din...

Magbasa pa

ftm ako mi nagpapacheck up sa Public hospital and now 37 weeks na ko magpapacheck up ako sa birthing homes kasi need pa pala ng swab dun sa public hospital bago ka manganak and mejo pricey dahil hindi available sakanila. nakausap ko naman yung midwife and okay naman dalhin ko lang daw lahat ng laboratories at ultrasounds ko.

Magbasa pa

Ako nag papa check up sa private ob ko since sa una ko anak ngayon mag tatatlo na due date ko sa September, yung sa panganay ko sa hospital ako nanganak sa pangalawa sa lying in tas ngayon sa pangatlo ko lying in ulit pero sabi ng ob ko baka di kayanin sa lying in kasi baka di ko kaya inormal si baby malaki kasi hehehe

Magbasa pa

hello moms. ako po simula 5 weeks tummy ko hanggang 5months private po ob ko maselan kasi pagbubuntis ko. pero nung okay na po pagbubuntis ko sa health center nako nag continue prenatal. lying in sana ako manganganak pero ni refer ako sa public hospital saamin. need lang naman nila mga lab test at ultrasound test mo.

Magbasa pa

Ganyan din po sana balak ko dati. Pero sabi sa Lying in, hindi sila tumatanggap ng FTM kasi hindi pa alam kung maselan ba o hindi manganak. Kaya advisable na sa hospital na kung nasaan available ang mga life-saving equipment in case of emergency. Kaya nag-hospital na lng ako. Pero for my 2nd pregnancy, Lying in na ko ☺️

Magbasa pa
1y ago

public hospital ka po ba mommy?

hello mommy, pwede po magpacheck up parin sa mga private lying in pero better po if magkakarecord din kayo sa mga public hospitals since may instances po ata na hindi tumatanggap ng panganay ang mga lying in. at para hindi po kayo mahirapan mag process sa public hospitals kung magkakaron ng emergency.

Magbasa pa