24 Replies

same tayo mie na sanay ako may work at di umaasa sa iba kaya nahihiya din ako kay lip ko dahil siya may sagot ng lahat mula buntis ako hanggang ngaun lumabas na si baby. pero nasa isip ko siya naman tatay ng anak namin. responsibilidad ng mga tatay yon financial at wala nmn siya reklamo about don kaya no to worry about that. lagi ko nlang siya sinasabihan babawi ako after ko maka recover sa panganganak ko. maiintindihan niya naman yon if mahal ka tlga ng partner mo. kausapin mo siya mag usap kayo mie dalawa lang kayo.

same mieee ☹️ end of contract ako kase selan yubg 1st trimester ko. minsan nahihiya na ako sa partner ko manghingi ng pera, yung damit ni baby puro bigay galing walang bago. gusto ko sana mag work after manganak pero di pa pwede. wala din ipon yung partner ko kaya sa lying in nalang muna ako nagpapa check up at health center. minsan naiingit ako sa iba kase first baby nila excited sila mamili ng gamit. first baby ko pa naman pro minsan naiiyak ako.

TapFluencer

if SSS Member ka. pwede po kayo mag file ng Sickness Notification as home confinement for assistance. no need to wait na manganak ka. iba parin po ung maternity assistance na makukuha mo sa sickness assistance na hindi ka nakakapag work dahil preggy ka. almost same case here. almost 1 month na ako hindi nakakapag work. nagamit q na lahat ng leave credits ko sa company. after that nakapag file ako ng sickness notification due to high risk on pregnancy

hi mommy paano po yung pina file? ano po mga hinihingi na requirements ni sss?

ang hirap talaga kapag sanay ka na hindi mo na kailangan umasa sa iba kasi alam mong may kita ka .. wala ng sali salita kasi kaya mo na.. pero may mga bagay talaga na nangyayare kahit di mo gusto kasi kailangan mong gawin .. ang kailangan naten is asawang makikipag tulungan saten . minsan kasi kahit anung klaseng support pa yan, sobrang nakaka gaan ng pakiramdam.basta galing sa kanila

di mo siguro need problemahin yung panganganak. kasal ba kayo? kung hindi, kumuha ka ng certification sa brgy nyo na financially incapable ka para wala kang bayaran, kasi ipapasok ka sa masa ng philheatlh.. wag ka mahiya humingi skanya kasi tatay sya ng anak mo. responsibility nya yun. tska hindi mo naman ginusto mawalan ng work dahil sa selan ng pagbubuntis mo

Sis valid ang feelings mo syempre mahirap tlaga umasa sa asawa lalo na kung financialy independent ka. Usap kayo sis as earlt as now ano ba plano nyo? san ka manganganak? if kapos much better public hospital pra makatipid. Ang maalaga sis ung essentials ni baby like sabon ganun at diapers. Saka mahalgaa na open communication kayo 2.

for me lagi hiwlay twing nanganak sa damit pang newborn be practical pag wla . nanghihiram lang aq sa kumare ko kasi saglit lng nmn mbilis lng nmn lumaki si baby mas binibigyan q priority ung personal things ni baby like essential personal hygne . lalo na pag wla wla talaga bawi pag meron na at lumalaki na si baby.

wag ka po mahihiya manghingi ka sa kanya kase responsibility nya yan bilang father and partner mo, di ka naman nya mapipilit magwork for now dahil sabi mo nga maselan ka magbuntis, pasalamat na lang talaga ko at yung partner ko sobrang responsible kahit di ko hingin magtatanong sya magkukusansya magbigay🙏❤️

wag ka mhiya manghingi sa knya dhil sya naman tatay ng anak mo. responsibilidad nya yan.. try mo sa philhealth, mkakabawas din un sa hospital bill . kung ngwowork sya, may salary loan naman ang sss

welcome momshie..☺ lage mo iisipin na sya ang tatay.. at ang pinka responsibilidad nila is mgprovide sayo at sa anak nyo..sana kasal kyo dhil mas may krapatan kang mgdemand sa knya.. and to you momshie SHEILA, bat dka inuuwian? hiwalay napo ba kyo? kung aswa mo nmn po sya, hndi pwede na bgla nlang syang mwawala.. may kaso sa gnyan..pero kung mgjowa lng po kayo, mhirap nga yan..dpt ngtatabi ka kada mgbbgay sya syo ng pera pra kht papano my naisave ka..

Yes mommy, it's normal po. For me, better mag open up ka po kay hubby mo. Para alam niya din nafefeel mo. 😊Meron din po mga work online na maagan lang din gawin kahit preggy ka , like writer online.

Trending na Tanong

Related Articles